Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagbaba ng implasyon, hindi dama ng mahihirap
May 07, 2023

Kinastigo ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang sinasabing pagbagal ng implasyon noong Abril tungong 6.6% mula 7.6% noong Marso. Ayon sa kanya, “halos hindi ito nadarama ng mayorya ng mga Pilipino laluna ang mga mahihirap.” “Sa mahihirap at kulang sa pambili ng pagkain, hindi ramdam ang sinasabing bumaba […]

Piket kontra pagtataas ng singil sa kuryente, inilunsad
May 07, 2023

Nagpiket ang mga kababaihan sa harap ng upisina ng Meralco Business Center sa Kamuning, Quezon City noong Mayo 5 para kundenahin ang nakatakdang pagtataas ng singil sa kuryente ng naturang kumpanya. Dala-dala ng mga nagprotesta ang kani-kanilang resibo sa kuryente na nagpapakita ng paglaki ng singil sa kanila. Idinadahilan ng Meralco ang “mainit na panahon” […]

Panawagan para sa makabuluhang dagdag sahod, dumagundong noong Mayo Uno sa TK
May 06, 2023

Sa unang Mayo Uno ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II, muling nagrehistro ang uring manggagawa at mamamayan sa Timog Katagalugan ng kanilang kahingiang dagdag-sahod, makatarungan, nakabubuhay at ligtas na trabaho, at pagkilala at pagtatanggol sa karapatang-tao. Kumilos ang aabot sa 3,000 katao mula sa hanay ng mga unyonisadong manggagawa at mga mamamayan mula sa iba’t ibang […]

Live-fire exercises ng AFP sa Claveria, abala sa mamamayan
May 05, 2023

Ilang beses nagpaputok ng kanyon ang mga tropa ng 58th IB at 4th Field Artillery Battalion sa Sityo Man-ibay, Barangay Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental noong Abril 26 bilang bahagi ng live-fire exercises ng mga sundalo. Labis na kaba at abala ang idinulot nito sa mga residente at kanilang mga kabuhayan. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga […]

Pribatisasyon ng NAIA, tulak ng US at kasosyo nitong mga kumprador
May 04, 2023

Ilang araw bago ng isa na namang “brownout” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 1, ibinalita ang muling pagkakabuo ng kalipunan ng ilang malalaking negosyante na nagtutulak para sa pribatisasyon nito. Nagbigkis ang anim na pinakamalalaking burgesya-kumprador sa Pilipinas, kasosyo ang mga kapitalistang Amerikano, para kunwa’y “kumpunihin” o i-upgrade ang pangunahing paliparan sa […]

Mga rebolusyonaryo at progresibo, muling sinensor ng Twitter at Facebook
May 04, 2023

Sunud-sunod na sinuspinde o binantaang isuspinde ng Twitter at Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook, ang rebolusyonaryo at progresibong mga akawnt sa mga platfom nito mula nakaraang linggo. Pinakahuli dito ang pag-restrict o paglimita ng Meta sa Facebook account ng Bulatlat kahapon, Mayo 3, sa araw mismo ng malayang pamamahayag. Ayon sa alternatibong website, nakatanggap ito […]

Magsasaka, pinatay ng 94th IB; anak nito, pinagbabaril din
May 04, 2023

Isang magsasaka ang dinampot ng 94th IB mula sa kanyang bahay sa Sityo Paloypoy, Barangay Buenavista sa Himamaylan City kahapon at saka ginapos, ininteroga at pinatay sa pamamaril ng mga sundalo. Kinilala ang biktima bilang si Crispin Tingal Jr. Si Tingal ay isang sibilyang magsasaka sa kanilang lugar. Kauuwi lamang niya sa kanilang bahay mula […]

Tigil-pasada, ikakasa ng mga drayber at opereytor sa Bacolod City
May 04, 2023

Maglulunsad ng tigil-pasada ang mga drayber at opereytor ng mga dyip sa Bacolod City sa darating na Mayo 8. Ipapanawagan ng mga grupo sa pangunguna ng No To Jeepney Phaseout Movement Negros ang pagbabasura sa City Ordinance 966 o ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) na nagsasapanganib sa kabuhayan ng mga nagpapatakbo ng tradisyunal […]

Karapatan sa malayang pamamahayag, patuloy na sinisikil
May 04, 2023

Sa halos isang taong pamumuno ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, patuloy na naitatala ng grupong National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang maraming kaso ng paglabag sa karapatan sa malayang pamamahayag. Inilabas ng NUJP ang ulat na ito kahapon, kasabay ng paggunita sa World Press Freedom Day. Pahayag ng grupo, habang mayroong […]

Itigil ang biglaang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco—Makabayan
May 04, 2023

Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpapatupad ng Manila Electric Company’s (Meralco) ng dagdag na singil sa kuryente nitong linggo. Idinadahilan ng kumpanya ang pagsirit ng demand sa panahon ng matinding tag-init. Papatong pa ang taas-singil sa plano ng kumpanya na pagkulekta ng ₱7.9 bilyon na sinasabi nitong […]