Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Red-tagging at panggigipit sa mga maralita sa Caloocan, binatikos
May 04, 2023

Kinundena ng grupo ng maralita na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagpapatipon at pang-reredtag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maralitang lunsod na kasapi ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Koalisyon ng Maralita (KnM) sa Caloocan City noong Abril 22. Pinalalabas ng DSWD na ang 300 myembro ng naturang […]

Mga manggagawang pangkalusugan, magmamartsa para sa dagdag sahod at regularisasyon
May 04, 2023

Inianunsyo kahapon ng mga manggagawang pangkalusugan na nagbuklod sa ilalim ng grupong Health Workers United for Wage Fight (HWUWF) ang nakatakdang martsa nila sa darating na Mayo 5 para manawagan ng dagdag sahod, mga benepisyo, regularisasyon at disenteng trabaho. Kaugnay ito ng paggunita sa National Health Workers’ Day sa darating na Mayo 7. Ang grupo […]

Presyo ng asukal, tumaas sa gitna ng importasyon
May 03, 2023

Hindi bumaba kundi tumaas pa ang presyo ng asukal matapos dumagsa ang imported na asukal sa bansa. Sumirit ang presyo nito tungong ₱136 kada kilo sa ilang mga tindahan nitong nakaraang mga linggo, ayon sa ulat kamakailan ng Sugar Regulatory Administration (SRA). Sa tala ng SRA, ang presyong tingi ng repinadong asukal sa mga grocery […]

Pakikipagpulong ni Marcos kay Biden sa US, hinabol ng protesta
May 03, 2023

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-USA para batikusin ang pagpunta ni Ferdinand Marcos Jr sa US at pakikipagpulong niya sa hepe ng imperyalistang US na si Joe Biden mula Abril 30. Magtatagal si Marcos Jr ng apat na araw sa bansa para maglamyerda at ibugaw […]

Dalawang indibidwal, hinihinalang dinampot ng militar
May 03, 2023

Isinapubliko ngayong araw ng grupo sa karapatang-tao na Cordillera Human Rights Alliance (CHRA) ang balita na hindi matunton ang kinaroroonan nina Dexter Capuyan, isang Bontoc-Ibaloi-Kankanaey na mula sa La Trinidad, Benguet at Gene Roz Jamil De Jesus, residente ng Bulacan. Ayon sa CHRA, ang dalawa ay huling nakontak noong gabi ng Abril 28 habang nasa […]

Makabuluhang dagdag-sahod, panawagan ng mga manggagawa sa Mayo 1
May 02, 2023

Libu-libong manggagawa sa pangunahing mga syudad ng Pilipinas ang nagmartsa kahapon, Mayo 1, Internasyunal na Araw ng Paggawa, para ipanawagan ang makabuluhang pagdagdag sa kanilang sahod at seguridad sa trabaho. Binatikos nila si Ferdinand Marcos Jr sa pakitang-tao niyang mga hakbang at kawalang-tugon niya sa hinaing ng mga manggagawa. Tahasang tumanggi si Marcos na dagdagan […]

Tropa ng 4th IB, inambus ng BHB sa Occidental Mindoro
May 01, 2023

Inambus ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Mindoro ang tatlo-kataong tim ng 4th IB sa Lipitan, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro noong Abril 25. Napatay sa naturang aksyon si Pvt. Mayu-ay Onaw habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan. Nakumpiska sa kanya ang isang kalibre .45 pistola na may dalawang magasin at selpon. Sa ulat ng BHB-Mindoro, […]

Kabataan, nagmartsa sa CHED kontra taas-matrikula
April 30, 2023

Nagmartsa ang mga kabataan at estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ng Metro Manila mula sa University Avenue ng University of the Philippines-Diliman tungo sa upisina ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City noong Abril 28. Ito ay bilang protesta sa napipintong pagtataas ng matrikula, sa pahintulot ng CHED, sa maraming Higher Education […]

60,000 pulis, idedeploy sa bansa kontra-rali sa Mayo Uno
April 30, 2023

Inianunsyo ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang pagdedeploy ng sobra-sobrang bilang ng mga pulis sa buong bansa para “panatilihin ang kaligtasan” bukas, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kalakaran na ng PNP at estado na pigilang makapagtipon ang mga manggagawa sa araw na ito. Ayon kay Gen. Benjamin C. Acorda Jr, hepe ng PNP, magpapakilos […]

Pulang mandirigmang maysakit sa kidney, sadyang pinatay ng 62nd IB sa Negros
April 30, 2023

Namamaga ang paa ng Pulang mandirigmang si Anthony Curson (Ka Miguel) dulot ng sakit sa kidney nang dakpin at sadyang pinatay ng 62nd IB noong Abril 28 sa Sityo Malatanglad, Barangay Budlasan, Canlaon City. Liban dito, isang magsasaka ang dinampot at sinampahan ng gawa-gawang kaso ng mga sundalo. Ayon sa ulat, si Curson ay nagpapahinga […]