Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Peke at sapilitang "pagpapasuko" sa maralita sa Rizal, binatikos
March 14, 2023

Kinundena ng mga demokratikong organisasyon ang sapilitang pagpapatipon at “pagpapasuko” ng 80th IB at mga ahente ng National Task Force-Elcac noong Marso 12 sa mga residente ng 1K2 Kasiglahan Village, Montalban, Rizal. Ayon sa ulat ng Karapatan-Rizal, tinipon ng mga sundalo ang nasa 400-500 residente at sapilitang pinamirma ng “Katunayan ng Pagkakaisa” o katibayan na […]

US at Europe, tiba-tiba sa pagbenta ng armas noong 2022
March 14, 2023

Lalupang lumaki ang kita ng US, ang numero unong tagapagmanupaktura ng armas, sa unang taon ng proxy war nito sa Ukraine laban sa Russia. Kasabay na lumaki ang kita ng mga kumpanya ng armas ng kaalyado nitong bansa sa Europe, na nagbuhos din ng mga armas sa Ukraine para patagalin at pasidhiin ang gera doon. […]

Giriang US-China, pinaiigting ng kasunduang EDCA
March 13, 2023

Sisimulan na ng US ang pagkukumpuni sa Cesar Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga sa Marso 20. Bahagi ang airbase na ito ng iniwan ng mga tropang Amerikano noong 1991 matapos ibasura ng Senado ang tratado para palawigin ang paggamit ng US sa mga pasilidad ng Pilipinas. Muli itong ibinabalik sa kontrol ng US sa […]

Libreng pamamahagi ng lupa, di SPLIT ang kailangan ng mga magsasaka
March 13, 2023

Kinwestyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang sinasabing mga “benepisyo” ng programang SPLIT (Support to Parcelization of Land for Individual Titling) na itinutulak ngayon ng World Bank at Department of Agrarian Reform (DAR). Saklaw ng programa ang 1.3 milyong ektaryang lupa na ibinigay na sa 750,000 benepisyaryong magsasaka. Pinopondohan ito ng ₱19 bilyong utang mula […]

Palengke sa Baguio City, pinangangambahang sadyang sinunog
March 13, 2023

Pinaiimbestigahan ng grupong Kadamay ang naganap na sunog noong Marso 11 na tumupok sa isang bahagi ng Baguio City Public Market. Sinira nito ang 1,700 stall, kasama ang humigit kumulang ₱24 milyong produkto at ari-arian. “Nakababahala na tuwing may plano ang gubyerno para isapribado ang isang lugar at may pagtutol dito ang mga mamamayan, nasusundan […]

Child labor, tumitindi sa Pilipinas
March 12, 2023

Tumaas noong 2021 ang bilang ng mga batang nagtatrabaho o child worker sa Pilipinas. Sa taya ng Philippine Statistics Authority, 4.3% o 1.37 milyong bata, edad 5-17 taon, ang nagtrabaho noong taong iyon, mas mataas kumpara sa 872,333 noong 2020. Sa bilang na ito, 69% ay itinuturing na child labor o yaong nasa mga “peligroso” […]

Welga ng mga drayber at kunduktor ng bus, nagpapatuloy
March 12, 2023

Nasa ikalawang linggo na ng welga ang mga drayber at konduktor ng bus ng Admiral Transport Inc. sa garahe ng kumpanya sa Quezon City. Ang mga bus ng kumpanya ay bumibyahe sa ruta ng EDSA Carousel. Ikinasa ng Admiral Transport Workers Union ang welga matapos tumanggi ang maneydsment sa hiling ng mga drayber na dagdag […]

Tugunan ang hinaing ng mga apektado ng oil spill—NDF-Mindoro
March 12, 2023

Nakiisa ang National Democratic Front (NDF)-Mindoro sa panawagan ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. Anang NDF-Mindoro, apektado ng sakuna ang hindi bababa sa 76 na mga barangay sa siyam na bayan. […]

Nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB, binulabog ng BHB
March 12, 2023

Binulabog ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB sa sityo Batang-batangan, Barangay Bucalan, Canlaon City, Negros Oriental noong Marso 6. Isa ang napatay at isa ang nasugatang sundalo sa operasyong harasment. Ayon kay Ka JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros, nailunsad ang armadong aksyon laban sa […]

Mga sibilyan, pinaputukan ng 37th IB; isa, napatay
March 11, 2023

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 37th IB ang apat na sibilyan, kabilang ang dalawang menor-de-edad, sa Sityo 27, Barangay Sangay, Kalamansig, Sultan Kudarat noong Pebrero 27, isang tahasang krimen at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Para pagtakpan ang kanilang krimen, pinalabas ng AFP sa masmidya na mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong […]