Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

6 o higit pang kanditatong pagkapresidente sa 2022, lumilitaw
September 24, 2021

Hanggang ngayong araw, lima na ang nagdeklarang tatakbo bilang presidente sa eleksyong 2022. Sa mga darating na araw bago ang takdang petsa ng pormal na pagpapalista sa Comelec sa Oktubre 8, inaasahang magdedeklara rin ng planong tumakbo ang hindi bababa sa dalawa pa. Sumatutal, lilitaw na hindi bababa sa 6 o 7 ang magiging kandidato […]

Kopyahan ng mga estudyante, resulta ng kapalkapan ng distance learning
September 20, 2021

Resulta ng kapalpakan ng distance learning ang laganap na kopyahan ng mga sagot sa modyul na natuklasan sa isang Facebook account noong Setyembre 18. Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT), bumabaling ang maraming estudyante sa kopyahan dahil sa kakulangan ng suporta sa kanilang pag-aaral habang nasa bahay. Isa sa mga natuklasan ang Facebook account […]

Pagbaba ng tantos ng disempleyo, panloloko
September 20, 2021

Tahasang panloloko ang pahayag ng mga ahensya ng rehimeng Duterte na bumaba na ang tantos ng disempleyo sa bansa noong Hulyo. Ang totoo, hindi nito binilang ang milyun-milyong manggagawang tumigil nang maghanap o hindi nakahanap ng trabaho sa nakaraang anim na buwan. Hungkag din ang sinasabing tumaas ang tantos ng empleyo dahil sa aktwal ay […]

Panukala laban sa panggigipit sa mga unyon, inihapag
September 20, 2021

Naghapag ang blokeng Makabayan ng isang panukala na naglalayong parusahan ang sinumang makikialam, haharang, manggigigpit o mamimilit sa sinumang manggagawa o unyon laban sa kanilang karapatan sa pag-oorganisa ng kanilang mga sarili. Inihapag ang Union Independence Act of 2021 noong Setyembre 19 bilang reaksyon sa sunud-sunod na Red-tagging sa mga unyon sa loob ng mga […]

Presyo ng palay, bumagsak tungong ₱10 kada kilo
September 19, 2021

Naiulat ng mga grupong magsasaka noong Setyembre 18 na sumadsad sa ₱10 ang bili ng kada kilo ng palay sa mga magsasaka ng Occidental Mindoro. Bumagsak din tungong ₱12-₱14.50 kada kilo ang presyo ng palay sa Nueva Ecija, Isabela, Camarines Sur at Ilocos Norte. Ayon sa grupong Bantay Bigas, ang bagsak na farm gate price […]

Pabago-bagong klasipikasyon, tanda ng kapalpakan ni Duterte at ng IATF
September 17, 2021

Litong-lito ang lokal na mga upisyal ng gubyerno sa pabagu-bago at paiba-ibang klasipikasyon ng lockdown na gustong ipatupad ng mga heneral sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emergent Infectious Diseases. Ipinatupad ang mga pagbabago matapos aminin ng mga upisyal nito na “hindi gumagana” ang sistema ng mga “community quarantine” na walang patid na ipinatupad mula […]

Dagdag singil ng Meralco, ipinababasura
September 16, 2021

Ipinababasura ng Bayan Muna partylist ang P0.1055 kada kilowatt hour (kwh) na dagdag singil na ipinataw ng Meralco Manila Electric Company (Meralco) sa mga konsyumer noong nakaraang linggo. Ito na ang ikaanim na buwang magkakasunod na nagpataw ng dagdag singil ang Meralco. Ito ay katumbas ng dagdag na P21 kada buwan para sa ordinaryong mga […]

Imbestigasyon sa mga krimen laban sa sangkatauhan ni Duterte, aprubado na sa International Criminal Court!
September 16, 2021

Inaprubahan na kahapon, Setyembre 15, ng mga huwes ng International Criminal Court ang hiling ng tagausig nito para sa pormal at buong imbestigasyon sa mga krimen ni Rodrigo Duterte laban sa sangkatauhan. Sasaklawin ng imbestigasyon ang mga ekstra-hudisyal na pamamaslang na iniutos ni Duterte sa ngalan ng “pagsugpo sa iligal na droga” mula Nobyembre 1, […]

Implasyon sumipa nang 4.9%, pinakamataas sa huling dalawang taon
September 14, 2021

Iniulat noong nakaraang linggo ang pagsipa ng implasyon sa bansa — pinakamataaas sa huling dalawang taon at sa panahon ng pandemya. Ayon sa paunang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 4% noong Hulyo, pumalo ito nang 4.9% sa buwan ng Agosto. Pangunahing nagtulak sa pagsirit ng implasyon ang pagtaas ng mga presyo ng […]

Pambayad-utang ng Pilipinas, tumaas nang 37%
September 14, 2021

Pumalo sa ₱834.33 bilyon ang kabuuang halagang ginastos ng rehimen sa pagbabayad-utang noong huling linggo ng Hulyo, mas mataas nang 37% kumpara sa ₱608.26 bilyon na naitala sa parehong panahon noong 2020. Ito ay kasunod ng todong pangungutang ng rehimeng Duterte mula pa noong nakaraang taon sa tabing ng pagsugpo sa pandemya at muling pagpapasikad […]