Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pambayad-utang ng Pilipinas, tumaas nang 37%
September 14, 2021

Pumalo sa ₱834.33 bilyon ang kabuuang halagang ginastos ng rehimen sa pagbabayad-utang noong huling linggo ng Hulyo, mas mataas nang 37% kumpara sa ₱608.26 bilyon na naitala sa parehong panahon noong 2020. Ito ay kasunod ng todong pangungutang ng rehimeng Duterte mula pa noong nakaraang taon sa tabing ng pagsugpo sa pandemya at muling pagpapasikad […]

Taktikang Nazi: Mga dokumento ng NDFP, ipinatanggal ng AFP sa Kalinga State U library
September 14, 2021

Kinundena ng mga grupong sumusuporta sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NFP) at Government of the Republic of the Philippines ang pagpapatanggal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga ahente ng rehimeng Duterte sa mga dokumento ng NDFP sa library o aklatan ng Kalinga State University (KSU) […]

Istilong-Tokhang laban sa mga akbista sa Cordillera, labag sa karapatang-tao
September 13, 2021

Mariing kinundena ng mga aktibista, mamamahayag at mga personalidad sa Cordillera ang rekomendasyon ng Cordillera Regional Law Enforcement Coordinating Committee na gawing mala-Tokhang ang estilo ng “paghahabol” sa mga inaakusahan nitong komunista at mga taga-suporta ng armadong kilusan. Sa Kongreso, nagtawag na ng pagdinig ang blokeng Makabayan sa Kongreso para imbestigahan ito. Sa ilalim ng […]

Buo ang komite ng Partido sa Southern Mindanao — PKP
September 13, 2021

Walang basehan ang pagmamayabang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa “bingit ng pagkawasak” ang Komite sa Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Southern Mindanao. Ito ang pahayag ng PKP matapos iprisenta ng 10th ID noong nakaraang linggo ang 12 indibidwal na diumano’y sumurender sa militar. Ipinakilala sila bilang “matataas na […]

Pagtatalaga ni Duterte kina Parlade at Sinas sa gabinete, kinundena
September 13, 2021

Kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas at iba’t ibang mga grupo ang pagtatalaga ni Rodrigo Duterte sa dating hepe ng Philippine National Police na si Debold Sinas at dating hepe ng Southern Luzon Command at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na si Antonio Parlade sa kanyang gabinete nitong nakaraang […]

US, nangmasaker ng mga bata, sibilyan sa Afghanistan gamit ang killer drone
September 13, 2021

Sampu katao, kabilang ang pitong bata — lahat mula sa isang pamilya — ang pinatay ng militar ng US gamit ang killer drone na MQ-9 Reaper noong Agosto 29. Ayon sa militar ng US, ginamit nila ang drone at ilang oras na “sinubaybayan” ang kilos ng isang taong pinaghinalaan nitong myembro ng ISIS sa araw […]

Baligtad na mundo: Mga kukwestyon ng SALN, gustong ipakulong ng Ombudsman
September 12, 2021

Noong Setyembre 9, naglabas ng pahayag si Ombudsman Samuel Martires ng kagustuhang ipakulong ang sinumang magkwestyon sa statement of assets, liabilities and networth (SALN o lista ng mga pag-aari, utang at yaman) ng mga upisyal ng gubyerno. Gusto ni Martires na amyendahan ng Kongreso ang Republic Act No. 6713 of the Code of Conduct and […]

Bumenta na yan!
September 12, 2021

Mala-teleseryeng pamumulitika ng mag-amang Duterte Sa kabila ng pananalasa ng pandemyang Covid-19 sa bansa, patuloy ang madramang pamumulitika ng mag-amang Duterte. Lalong nagiging mala-teleserye ang palabas na ito habang papalapit ang 2022 eleksyong presidensyal. Sa pinakahuling eksena nito, hindi na raw tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa anumang pambansang pusisyon sa 2022 eleksyong […]

Relasyong US-Pilipinas: Soberanya kapalit ng baryang bakuna
September 12, 2021

Inianunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang harapang pakikipag-usap niya kay US Secretary of State Antony Blinken sa Washington D.C. noong Setyembre 9. Kauna-unahan itong personal na paghaharap ng mga kalihim sa ugnayang panlabas sa ilalim ng administrasyong Biden. Ayon kay Locsin, nagkasundo silang “palakasin ang kapasidad sa depensa” ng Pilipinas sa pamamagitan […]

Yaman ng 50 pinakamayayamang Pilipino, tumaas ng 30% sa gitna ng pandemya
September 11, 2021

Balita kahapon ang pagtaas nang 30% ang kabuuang yaman ng 50 pinakamayayamang kapitalista sa Pilipinas sa gitna ng pandemyang Covid-19. Ito ay kasunod ng paglalabas ng Forbes sa 2021 Philippines’ 50 Richest List na nagtala ng $79-bilyong paglaki sa yaman (P4 trilyon) ng naturang mga kapitalista sa loob lamang ng isang taon. Ipinakikita nito kung […]