Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

#Balitaan | Biyakan sa PDP-Laban: Pagkabasag sa ilusyon ng popularidad ni Duterte
September 10, 2021

Umiiral ang ilusyon ng popularidad ni Rodrigo Duterte sa loob ng mahigit limang taon bilang pangulo ng bansa. Ngunit nabasag ang ilusyon ito sa proseso ng mga biyakang naganap sa loob ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Masa (PDP-Laban) nitong nakaraang mga buwan. Noon isang palaisipan ang pagpapanatili sa popularidad ni Duterte. Ito ay sa kabila […]

Walang pera para sa bakuna, dagdag na testing sa 2022
September 10, 2021

Inamin ngayon ni Department of Health Sec. Francisco Duque na walang alokasyon sa pambansang badyet para sa dagdag na pasilidad pangtesting sa susunod na taon. Kasabay nito, ang pondo para sa dagdag na bakuna ay “di nakaprograma o maghihintay kung may malilikom ang gubyerno na pondo mula sa buwis o di kaya’y tira-tira mula sa […]

PKP: solusyon sa lumulubhang pandemya, patalsikin si Duterte
September 10, 2021

Tanggalin sa pwesto si Duterte. Ito ang matapang na panukala ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) noong Setyembre 7 kung nais umano ng taumbayan na makaalpas sa pandemya. Ayon sa PKP, ang usapin ng pampublikong kalusugan ay isang usaping pampulitika. Sa harap ng lumulubhang krisis pangkalusugan sa bansa at nagpapatuloy na kabiguan ng gubyerno na […]

BIAF: BARMM para lamang sa iilan
September 08, 2021

Tutol ang daan-daang mujahideen o mga mandirigma ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na palawigin pa ang Bangsamoro Transition Authority. Sa kanilang pagtitipon noong Setyembre 1 sa Marawi City, inihayag nila na tanging mga teknokrata lamang ang nakinabang dito at hindi ang mga tunay na nagsilbi para sa rebolusyon. Daing pa ng iba, sa kabila […]

Kumpanyang Pinoy, nalugi dulot ng paboritismo at korapsyon ni Duterte
September 08, 2021

“Lugi” ang kumpanyang EMS Components Assembly, dating nagmamanupaktura ng elektronics, matapos paboran ni Rodrigo Duterte ang kumpanyang Chinese na Pharmally Pharmaceutical Corporation bilang suplayer ng mga face mask. Ito ay kahit mas mababa ang presyong inialok ng EMS kumpara sa kumpanyang Chinese. Ayon sa may-ari ng EMS, namuhunan siya para baguhin ang produksyon ang kanyang […]

15,000 pamilya sa Cavite, mawawalan ng kabuhayan
September 06, 2021

Pansamantalang nasuspinde ang nakatakdang demolisyon ng mga tahungan, talabahan at saprahan sa Noveleta, Kawit, Cavite City at Bacoor City ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources. Ang planong demolisyon ay bahagi ng proyektong reklamasyon ng lokal na pamahalaan ng Cavite at DENR. Sisirain sa demolisyon ang mga istruktura ng mga mangingisda sa apat […]

30% ng species ng puno sa mundo, malapit nang maubos
September 06, 2021

Nalantad sa pag-aaral na pinamagatang “State of the World’s Trees” na inilabas ng Botanic Gardens Conservation International noong Setyembre 1 na nasa 30% na ng mga specie o klase ng puno sa buong mundo ang nasa bingit na ng pagkaubos. Nagpahayag ito ng pagkaalarma sa nalalapit nang pagkaubos ng aabot sa 17,500 specie ng puno, […]

Nakasusulasok na korapsyon ni Duterte
September 03, 2021

Hindi na napipigilan ni Rodrigo Duterte ang pag-alingasaw ng baho ng korapsyon ng kanyang mga alipures at kasosyong tiwaling negosyante sa pagbili ng pinakakailangang gamit-medikal noong nakaraang taon. Gamit ang kapangyarihan ng estado, bilyun-bilyon ang ninakaw nila sa kaban ng bayan sa porma ng sobrang pagpepresyo. Sa kaso ng face shield, ginawa pang rekisito ang […]

#Balitaan | #DuterteWakasanNa
August 31, 2021

Ibalik sa tao ang kikitaing P133.9 bilyon mula sa TRAIN Law —Ibon Foundation Nakatakdang kumita ang estado ngayong taon ng P133.9 bilyon na rebenyu mula sa pahirap at kontra-mahirap na Train Law na nagpataw ng dagdag na mga buwis simula noong 2017. Pinakamalaking bahagi nito ay mula sa buwis na idinagdag ng rehimen sa mga […]

#Balitaan: Digong tiklop kay Leni, tumangging isapubliko ang naipong yaman
August 31, 2021

Tumanggi si Rodrigo Duterte na isapubliko ang nalikom niyang yaman sa nakaraang tatlong taon habang nakaupo siya bilang presidente. Ito ay matapos siya hamunin ni Bise Presidente Leni Robredo na ilabas ang kanyang statement of assets, liabilities, and net worth o SALN at maging modelo sa kampanya laban sa korapsyon. Walang inilabas na SALN si […]