Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Nagdaos ng isang misang Katoliko ang pinunong obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David para sa mga bilanggong pulitikal at mga nakapiit sa Metro Manila District Jail Annex 4 (MMDJ-4) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Enero 16. Naisagawa ito sa imbitasyon at pag-aasikaso […]
Dinampot at tinortyur, bago pinaslang ng mga sundalo ng 62nd IB ang dalawang magsasaka sa Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 17 ng umaga. Para pagtakpan ang kanilang karumal-dumal na krimen, pinalalabas ng mga sundalo na napatay sina Boy Baloy, 60 anyos, at Bernard Torres, 50, sa modus nito na pekeng engkwentro. Sa […]
Mahigit isanlibong mamamayan ang nagsama-sama noong Enero 20 sa Immaculate Conception Parish Church sa bayan ng Guiuan para ipamalas ang kanilang pagtutol sa mapanirang pagmimina sa buong isla ng Samar. Ang aktibidad na tinawag bilang “Island Wide Jericho Prayer Assembly” ay pinangunahan ng Save Homonhon Movement, at mga grupo at diyosesis ng simbahang Katoliko sa […]
Kinundena ng BHB-Sorsogon (Celso Minguez Command) ang panggigipit ng 31st IB at mga ahenteng paniktik sa pamilya ni Baltazar Hapa (Ka Patrick) noong Enero 20. Sinugod ng 10 elemento, sa pangunguna ni Jordan Enconado, ahente ng 96th MICO, ang burol ni Ka Patrick sa isang punenarya sa sentro ng Gubat, Sorsogon. Ayon sa pamilya, nagbanta […]
Nagprotesta sa harap ng upisina ng Asian Development Bank (ADB) sa Ortigas Center sa Mandaluyong City ang kabataan, sa pangunguna ng League of Filipino Students, para batikusin ang papel nito sa huwad na modernisasyon sa transportasyon at pag-phase-out sa tradisyunal na mga dyip. Pasimuno ang ADB sa paninisi sa tradisyunal na mga dyip bilang pollutant, […]
Pinuna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) ang sagot ng Office of the Solicitor General sa petisyon ng mga drayber at opereytor ng dyip na nakasampa sa Korte Suprema laban sa pwersahang konsolidasyon ng mga prangkisa na labag sa prinsipyo ng malayang pag-organisa. Sa sagot ng OSG, na siyang kumakatawan […]
Di na lamang US ang papayagan ng rehimeng Marcos Jr na magtambak ng tropa, mga sandata at gamit-militar sa Pilipinas, pati Canada at United Kingdom ay pahihintulutan na rin nito sa ilalim ng nilulutong mga kasunduang militar sa pagitan nito at nabanggit na mga bansa. Isang kasunduan sa “enhanced defense cooperation” o EDCA ang sinasabing […]
Pinasinungalingan ng Bagong Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sorsogon ang ilan sa mga pahayag ng 31st IB kaugnay ng pinalalabas nitong naganap na serye ng engkwentro sa prubinsya noong Enero 14. Ayon sa yunit, ang ilan sa mga engkwentro at pinalalabas na nasamsam na kagamitang militar ay pawang kasinungalingan. Giit ng Pulang hukbo, walang katotohanan ang inianunsyong […]
Inaresto ng mga pwersa ng estado ang limang sibilyan sa Masbate noong nakaraang linggo. Ang lima na sina Jamara Tumangan, Rowel Hagnaya, Alden Tumangan, Rico Cuyos at Senen Dollete ay inaakusahan na mga Pulang mandirigma na naka-engkwentro ng 2nd IB sa Barangay Balantay, Dimasalang noong Hunyo 16, 2023. Itinanggi ito ng mga biktima at iginiit […]
Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang […]