Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Aerial strikes ng US at UK sa Yemen, kinundena ng ILPS-US
January 17, 2024

Mariing kinundena ng International League of Peoples’ Strugles-US ang pag-atake ng imperyalismong US at kasapakat nitong United Kingdom sa bansa at mamamayang Yemen. “Naninindigan kami para sa karapatan ng mamamayang Yemeni, hindi lamang para depensahan ang kanilang lupa, kundi pati sa kanilang karapatan na tulungan ang mamamayang Palestino, na pareho nilang nagtatanggol sa kanilang lupa,” […]

Kaanak ng bilanggong pulitikal sa Quezon, umapela sa korte
January 16, 2024

Naghain ng apela ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at ama ng bilanggong pulitikal na tagapagtanggol ng karapatang-tao na si Alex Pacalda sa Court of Appeals sa Maynila noong Enero 10. Layunin ng apela na muling buksan ang kaso at baligtarin ang hatol na maysala sa kasong illegal possession of firearms and explosives. Iginiit […]

Mga magsasaka ng Lupang Ramos sa Cavite, sinisindak ng militar
January 16, 2024

Pinasok ng limang elemento ng Philippine Army Scout Ranger lulan ng isang trak ng militar ang komunidad ng Lupang Ramos sa Dasmariñas, Cavite noong Enero 15. Binatikos ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (Kasama-LR) ang pagpasok ng mga sundalong may dalang matataas na kalibre ng armas sa kanilang komunidad. Anila, […]

Paglabag sa internasyunal na makataong batas ng AFP sa kampanyang aerial bombing, binatikos
January 16, 2024

Binatikos ng grupong International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) ang lansakang paglabag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internasyunal na makataong batas (IHL) sa paglulunsad nito ng labis-labis at superyor na lakas na mga pag-atake at kampanyang aerial bombing laban sa maliit at mahihinang istruktura ng mga kampo ng Bagong […]

Magsasaka sa Negros Occidental, nakaligtas sa pamamaril ng 62nd IB
January 16, 2024

Pinagbabaril ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Cerilo Bagnoran Jr habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo at bumabyahe sa Crossing Cordova, Barangay Manghanoy, La Castellana, Negros Occidental noong Enero 14. Pinara siya ng tatlong elemento ng 62nd IB Charlie Company sa Crossing Cordova bago pinaulanan ng bala. Pauwi sana si Bagnoran sa kanyang […]

Mga estudyante at guro sa India, nagprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyon SAMADHAN-Prahar
January 15, 2024

Nagtipun-tipon ang mga estudyante at guro ng Delhi University sa kampus nito sa Delhi, India noong Enero 10 sa pangunguna ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam) para magprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyong SAMADHAN-Prahar. Tinuligsa nila ang ang kampanyang ito ng rehimen ni Naendra Modi, na pangunahing tumatarget sa mga sibilyan at hindi armadong rebolusyonaryo […]

Yunit ng 96th IB, binulabog ng BHB-Masbate
January 15, 2024

Pinatamaan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang nag-ooperasyong tropa ng 96th sa Sityo Lantawan, Barangay Gangao,Baleno, Masbate noong Enero 13. Nabulabog ang naturang yunit militar at kagyat na itinago ang kanilang kaswalti upang pagtakpan ang kahihiyan. Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB-Mabaste, ang armadong opensiba ay bahagi ng kanilang […]

Dagdag-singil ng PhilHealth, pinababasura ng mga OFW
January 15, 2024

Nanawagan kahapon ang Migrante International para sa kagyat na pagbabasura ng dagdag-singil ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong taon. Nakatakdang itaas mula 4% tungong 5% ang sisingilin ng ahensya sa sahod ng mga overseas Filipino workers at migranteng Pilipino, na nangangahulugan ng pagtaas mula ₱500 hanggang ₱5,000 na kaltas sa mga sumasahod ng ₱10,000 […]

Kampanya para sa charter change, mariing kinundena ng mga grupong pambansa-demokratiko
January 13, 2024

Mariing kinundena ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan ang tangkang baluktutin ang kasaysayan sa isang patalastas na ipinalalabas ngayon sa mayor na mga network ng telebisyon. Sa patalastas na ito, minaliit at siniraan ang Pag-aalsang Edsa noong 1986 at isinisi sa Konstitusyong 1987 ang mga kinakaharap na problema ng Pilipinas sa ngayon. “Ang mga usaping […]

Pagbaba ng tantos ng implasyon, walang epekto sa mahihirap
January 12, 2024

Walang epekto sa pinakamahihirap na pamilyang Pilipino ang sinasabing pagbaba ng tantos ng implasyon o pagbagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumaba mula 4.1% noong Nobyembre tungong 3.9% ang tantos ng implasyon noong Disyembre. Gayunpaman, tumaas ang implasyon para sa 30% pinakamahihirap na pamilya, mula 4.9% noong Nobyembre […]