Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Estilong "Tokhang" na profiling sa La Union, kinundena
January 24, 2024

Kinundena ng grupo ng maliliit na mangingisda na Timek ken Namnama dagiti Babassit a Mangngalap ti La Union (TIMEK) ang tangkang profiling ng pulis ng Agoo, La Union laban sa pangulo nitong si George “King” Cacayuran at tatlo pa nitong myembro. Ibinahagi ng grupo na “binisita” ng PNP-Agoo si Cacayuran at mga kasama nito sa […]

Planong pagpapalayas sa mga residente sa isang barangay sa Bataan, nilalabanan
January 24, 2024

Tutol ang mga residente ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan sa nakatakdang pagpapalayas ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa kanila mula sa komunidad sa darating na 2025. Itinutulak ito ng BBJVI para sa planong pagtatayo ng commercial-industrial zone sa naturang komunidad. Sa ulat ng Nagkakaisang Manggagawa ng Freeport Area of Bataan (NMFAB), nakipag-usap na […]

Grupo sa karapatang-tao, nanawagan sa rehimeng Marcos na itigil ang panloloko sa mga rapporteur ng UN
January 24, 2024

Binweltahan ng grupong Karapatan ang rehimeng Marcos sa pagkukunwari nito kaugnay sa kalagayan ng karapatang-tao sa bansa sa harap ng pagbisita ng Special Rapporteur on Freedom of Expression and Opinion ng United Nations (UN.) “Itigil na ang panloloko,” ayon sa grupo laban sa pahayag ng rehimen na ang “malugod na pagsalubong” nito sa naturang rapporteur […]

Pagmimina at pagkalbo sa gubat ang sanhi ng pagbaha at mga landslide sa Davao at Caraga
January 24, 2024

Isinisi ng Bagong Alyansang Makabasa-Southern Mindanao Region (Bayan-SMR) ang pinsala at trahedyang dala ng walang tigil na pag-ulan sa rehiyon sa nagpapatuloy na mga operasyon ng mapangwasak na mina, at pagkalbo sa kagubatan sa Mindanao. Tinatayang nasa ₱78 milyon ang pinsala sa agrikultura dulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga rehiyon ng […]

Separation pay, giit ng mga manggagawa ng Chun Chiang Enterprises sa Bataan
January 23, 2024

Muling ipinanawagan ng mga manggagwa ng kumpanyang Chun Chiang Enterprises Manufacturing Incorporated (CCEMI) na ibigay na sa kanila ang kanilang separation pay. Labis na itong naantala mula nang magsarado ang kumpanya dahil sa umano’y pagkalugi noong 2022 sa kasagsagan ng pandemya. Nagpoprodyus ang kumpanya ng mga trousers at slacks para sa lalaki. Pag-aari ang pagawaan […]

Ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre, ginunita ng mga grupong magsasaka
January 23, 2024

Ginunita ng mga grupo ng mga magsasaka, kabataan at iba pang demokratikong sektor ang ika-37 anibersaryo ng Mendiola Massacre noong Enero 22. Higit 250 katao ang dumalo sa porum na pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at NNARA Youth UP Diliman sa University of the Philippines (UP)-Diliman, na sinundan ng […]

Rali kontra chacha, inilunsad ng mga grupong pambansa-demokratiko
January 23, 2024

Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa House of Representatives sa Quezon City noong Enero 22 para batikusin ang isinusulong ng rehimeng Marcos na charter change o “chacha.” Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), inilunsad ang protesta kasabay ng unang araw ng sesyon ng Kongreso. Sa pangalawang pagkakataon, tinatangka ng pangkating Marcos ang pagratsada ng […]

Pinakamatandang bilanggong pulitikal, hindi isinali ng rehimen sa mga pinalaya noong kapaskuhan
January 22, 2024

Dismayado ang Kapatid, grupo ng mga kaanak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal, sa hindi pagsasali sa 84-taong gulang na bilanggong pulitikal na si Gerardo Dela Peña sa listahan ng mga pinalaya noong kapaskuhan sa kabila ng kanyang katandaan at pagkakaroon ng sakit. Kaugnay ito ng ipinatupad na resolusyon ng Bureau of Pardons and Parole […]

3 magsasaka sa Himamaylan City, dinakip at ikinulong ng 94th IB
January 22, 2024

Inaresto ng mga sundalo ng 94th IB ang tatlong magsasaka sa Sityo Cantupa-Pisok, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Enero 21. Ikinulong sila sa hindi malinaw na mga kaso at akusasyon. Ayon sa ulat, isinakay ang mag-amang magsasakang sina Deloy at Vincies de Leon, at Remy Villacanao sa sasakyan ng 94th IB na nakaparada […]

Lider-magsasaka sa Cebu, inaresto
January 22, 2024

Iniulat ng Karapatan-Central Visayas ang pag-aresto sa lider-magsasaka ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Cebu na si Allan Flores noong Enero 21 sa kanyang sakahan sa Sibagay 2, Barangay Cantabaco, Minglanilla, Cebu. Anang grupo, dinampot si Flores ng nakasibilyang mga ahente ng estado na umano’y naghain sa kanya ng mandamyento de aresto. Mayroong mga nakasampang kasong […]