Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Kinundena ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam), grupo sa India, ang pagpaslang ng mga pwersa ng reaksyunaryong estado ng India sa isang 6-buwang sanggol sa Mutvendi, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 1. Ayon sa ulat, pinalalabas ng mga pwersa ng estado na nagkaroon ng “engkwentro” sa mga gerilyang Maoista nang mapaslang […]
Matagumpay na naglunsad ng oplan sabit ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)-Rizal upang magbigay-pugay sa ika-55 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido at unang anibersaryo ng pagkamatay ng dakilang guro na si Jose Maria Sison sa Antipolo City noong Enero 9. Sa pangunguna ng rebolusyonaryong kabataan, magsasaka, at maralita, masigasig na inaral ng mga lumahok […]
Pinaniniwalaang tapos na ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga kasong krimen laban sa sangkatauhan ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Ibig sabihin, maaari na itong maglabas ng mandamyento de aresto anumang oras sa hinaharap. Ito ang paniniwala ni dating Rep. Neri Colmenares, sang-ayon sa ibinunyag ng kapwa niya abugado na si Atty. Kristi […]
Tusong inilulusot ng mga kongresistang alyado ng rehimeng Marcos Jr ang pakanang charter change o pagbabago sa konstitusyon sa pamamagitan ng “people’s initiative” o pagkalap ng mga pirma para rito. Ibinunyag ng mga progresibong kongresista ng blokeng Makabayan ang paglipana ng gayong pakana sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Pangunahing laman ng petisyon ang pagsingit […]
Isinapubliko kahapon, Enero 8, ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang desisyon ng korte sa Quezon City na ibasura ang mga kasong Direct Assault at Grave Coercion laban sa mga lider at organisador nito. Itinuring ito ng KMU bilang “mabuting balita” laluna sa pagbubukas ng taong 2024. Ang kaso ay isinampa ni Pcpl Mark Anthony Soliven […]
Muling ipinanagawan ng Migrante International ang kagyat na pagpapalaya kay Mary Jane Veloso, migranteng Pilipinong biktima ng human at drug trafficking, na nakakulong sa Indonesia simula pa 2010. Iginiit ito ng grupo kasabay ng pagbisita ni Indonesian president Joko Widodo sa bansa mula Enero 9 hanggang Enero 11 para makipagpulong kay Ferdinand Marcos Jr. Nailigtas […]
Naigiit ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Product Inc. (UPPFBPI-OLALIA-KMU) sa kapitalistang kumpanya na pagkasunduan na ang “bargaining ground rules” na gagamiting gabay sa negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Kasunod ito ng kilos-protesta ng mga manggagawa at ng unyon sa harap ng National Conciliation and Mediation […]
Sa gitna ng ipinagmamalaki ng rehimeng Marcos na “bumagal” ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023, lalupang sumirit ang presyo ng bigas. Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas tungong 19.6% ang tantos ng implasyon ng bigas (rice inflation) sa katapusan ng 2023, pinakamataas mula 2009. Mas mataas ito nang 3.7% kumpara sa […]
Binatikos ng mga guro at kabataang estudyante ang inilabas na memorandum ng Commission on Higher Education (CHEd) na nagsasabing ihihinto na ang mga programang Senior High School (SHS) o Grade 11 at 12 sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) sa darating na taong pampaaralan 2024-2025. Bahagi umano ito […]
Magkakasabay na armadong aksyon ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros laban sa mersenaryong Sarona Group noong Enero 2 sa bayan ng Purok Kawayan, Barangay Bug-ang, Toboso, Negros Occidental. Imbwelto ang Sarona Group sa pagmasaker sa tinaguriang Sagay 9 (o ng siyam na magtutubo) noong Oktubre 20, 2018 sa Barangay Bulanon, Sagay City. Ang […]