Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang mahigit 3,000 maliliit na tsuper at opereytor ng dyip at kanilang mga pamilya, kasama ang iba pang demokratikong sektor, noong Disyembre 29. Iginiit nila sa rehimeng US-Marcos ang pagbabasura sa sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at dedlayn nito na Disyembre 31. Para sa mga tsuper at opereytor, usapin ito ng […]
Tinambangan ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang sagadsaring kontra-mamamayan at kontra-rebolusyon na elemento ng CAFGU na si Sunnyboy Teves sa Sityo Tulingon, Barangay Binubohan, Guihulngan City, Negros Oriental noong Disyembre 27, alas-6:45 ng gabi. Sangkot si Teves sa maraming krimen sa mamamayan ng Central Negros. “Nakumpiska ng BHB ang isang smartphone […]
Umalma si Teresita Sy-Coson, vice-chairperson ng SM Investment Corporation at isa sa pinakamalalaking burgesyang kumprador sa Pilipinas, sa aniya’y “antagonistikong pakikitungo” ng Pilipinas sa China. Tinutukoy niya ang sunud-sunod na pagpuna ng gubyernong Marcos sa mga naging kumprontasyon ng mga barkong militar at coast guard ng China nitong mga nakaraang buwan. Naging masinsin ang mga […]
Binisita ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP)-Leyte ang nakakulong na si Frenchie Mae Cumpio, mamamahayag ng alternatibong midya na Eastern Vista, noong Disyembre 27 sa Tacloban City Jail Female Dormitory. Bukod sa suportang moral at panawagang palayain si Cumpio, naghatid din ng pamasko o suportang materyal ang NUJP-Leyte sa kanya. Liban kay […]
Kinilala at pinarangalan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Batangas ang limang nabuwal na mandirigma sa pag-atake ng 59th IB noong Disyembre 17 sa Barangay Malalay, Balayan. Namartir sa naturang pag-atake sina Maria Jetruth Jolongbayan (Ka Orya), Alyssa Lemoncito (Ka Ilaya), Precious Alyssa Anacta (Ka Komi), Joy Mercado (Ka Kyrie), at Leonardo Manahan (Ka Mendel). Binigyang-pugay din […]
Napatay ng pasistang mga sundalo ng 59th IB ang mga sibilyang sina Pretty Sheine Anacta, 19, at si Rose Jane Agda, 30, sa walang habas na pamamaril nito sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas noong Disyembre 17 nang madaling araw. Dumadalaw ang dalawa sa kanilang kaanak na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang paslangin. […]
Higit 10 araw na ang nakalilipas, hindi pa rin inililitaw ng 59th IB ang sugatang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Batangas na si Baby Jane Orbe (Ka Binhi). Naiulat na nasugatan si Orbe sa pag-atake ng 59th IB sa Barangay Malala, Balayan, Batangas noong Disyembre 17. Wala sa katayuang lumaban ang sugatang si Orbe. […]
Dalawang araw bago ang Pasko, walang renda sa paghahasik ng terorismo ang 62nd IB sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental. Dinukot ng tropa ng 62nd IB ang kabataang masasaka na si Allan Paul Rayna mula sa bahay ng kanyang pamilya noong Disyembre 23 sa Sityo Tayubong, Barangay Puso. Hindi pa siya natatagpuan hanggang sa […]
Pinatay ng uhaw sa dugong mga pasista ng 31st Division Reconnaissance Company (DRC) ang may kapansanan sa pag-iisip na sibilyang si Bombik Bajoyo noong Disyembre 10 sa Sitio Tagbakan 1, Barangay Jayubo, Lambunao, Iloilo. Pinalalabas ng mga pasista na myembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay si Bajoyo at na napatay siya sa isang engkwentro. […]
Tatlong pasistang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay habang tatlong iba pa ang nasugatan sa dalawang engkwentro ng mga yunit nito laban sa Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Panay (Jose Percival Estocada Jr. Command) noong Disyembre 9 at 10 sa Iloilo. Itinanggi at itinago ng mga pasista ang kanilang mga kaswalti sa […]