Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Iilang bagong klasrum ng DepEd, kinastigo ng mga guro
January 04, 2024

Kinastigo ng mga guro at ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang Department of Education (DepEd) sa pagmamalaki nito sa karampot na 2,201 klasrum na naitayo ng kagawaran noong 2023. Malayong-malayo ito sa 165,000 kulang na klasrum sa buong bansa. “Ang DepEd mismo ang nagtarget na 5,000-6,000 ang mga […]

Daan-daang kabataan ng Southern Tagalog, ipinagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng PKP
January 03, 2024

Daan-daang kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Southern Tagalog ang nagdiwang sa ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa nagdaang linggo ayon sa balangay ng Kabataang Makabayan (KM) sa rehiyon. Ang ilan sa kanila ay nagdiwang sa loob ng larangang gerilya, kasama ang Bagong Hukbong Bayan. Sa balita ng dyaryo ng KM-Southern […]

Hindi lumiliit, bagkus ay lumaki, ang bilang ng naghihirap sa Pilipinas
January 03, 2024

Taliwas sa ipinagmayabang ng rehimeng Marcos kamakailan na lumiit ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap noong unang hati ng 2023, dumami sa aktwal ang mga pamilyang nabubuhay sa ilalim ng pamantayan ng kahirapan. “Nagmumukha lamang na mas mababa ang tantos ng kahirapan dahil ikinumpara ito sa tantos noong nakapailalim ang Pilipinas sa lockdown,” pahayag ng […]

Paglakas ng National Democratic Front sa rehiyong Ilocos, tagumpay ng PKP
January 03, 2024

Kinilala ng National Democratic Front (NDF)-Ilocos ang susing tungkulin ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagbubuo at pagpapalakas ng NDF sa buong rehiyong Ilocos. Ipinahayag ito ni Ka Rosa Guidon, tagapagsalita ng NDF-Ilocos, sa pagbati ng organisasyon sa Partido sa ika-55 anibersaryo nito. Ayon kay Ka Rosa, “mahalagang tagumpay ng Partido ang pagkakabuo ng […]

Ika-3 anibersaryo ng Tumandok masaker, ginunita
January 03, 2024

Ginunita ng Katribu o Kalipunan ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas at iba pang demokratikong grupo ang ikatlong anibersaryo ng Tumandok masaker noong Disyembre 30. Sa araw na ito noong 2020, koordinadong pinaslang sa mga operasyon ng pulis at sundalo ang siyam na katutubong Tumandok sa mga baryo ng Tapaz, Capiz at Calinog sa Iloilo. Kasabay […]

Tuluy-tuloy na protesta kontra masaker sa kabuhayan ng tsuper at opereytor, ikakasa
January 02, 2024

Magtutuluy-tuloy ang protesta at sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor ng dyip kontra sa sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at pagpapatupad ng huwad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa pagbubukas ng taong 2024. Ito ang kanilang tugon sa pagkikibit-balikat ni Ferdinand Marcos Jr sa hinaing ng mga tsuper at opereytor. Ayon sa Pagkakaisa […]

200 pamilya, pinalalayas ng Authority of the Freeport Area of Bataan
January 02, 2024

Hanggang Enero 6 na lamang ang taning ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) sa may 200 pamilyang residente ng Narra Dormitory sa Barangay Maligaya, Mariveles, Bataan para umalis. Pinalalayas ang mga residente dahil sasaklawin ng pagpapalawak ng FAB ang naturang lugar. Ayon sa pahayag ng Nagkakaisang Manggagawa ng FAB (NMFAB), sinugod ng […]

Internasyunal na mga partido at organisasyon, nagpaabot ng pagbati sa ika-55 anibersaryo ng PKP
January 01, 2024

Ipinabot ng iba’t ibang kaibigang partido at organisasyon mula sa ibang bansa ang kanilang pagbati at pagpupugay sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2023. Naglabas ng pahayag ng pakikiisa ang mga organisasyong mula sa India, Turkey, United States, at Ireland. Sa bidyo-pahayag ng Komite Sentral ng […]

Pagpapanibagong-lakas ng BHB, atas ng Komite Sentral
January 01, 2024

Inatas ng Komite Sentral (KS) ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapanibagong-lakas sa harap ng tinukoy nitong mga kabiguan, kamalian at mga kakulangan sa nagdaang ilang taon sa pagsusulong ng armadong pakikibaka. Nilaman ito pahayag ng KS sa okasyon ng ika-55 anibersaryo ng Partido. Ayon sa naturang pahayag, masaklaw […]

DOTr, LTFRB, pinasasagot ng Korte Suprema sa petisyon ng mga tsuper
December 30, 2023

Inatasan noong Disyembre 28 ng Korte Suprema ang Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkomento sa petisyong inihain ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) kontra sa pagpapatupad ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVM). Inihain ng Piston […]