Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Nagpahayag ng matinding pagtutol ang Isnag Yapayao Balangon Tribal Council Inc (IYBTC) at Isnag Yapayao Ugayam Tribal Council (IYUTC) sa planong pagtatayo ng ₱800-milyong Cabacanan Small Reservoir Irrigation Project (CSRIP) sa kabundukan ng Barangay Saguigui, Pagudpud, Ilocos Norte. Nakatakdang magtayo ng malaking dam para sa proyekto sa naturang barangay at katabing Barangay Dampig na sakop […]
Nagtigil-pasada ngayong araw, Disyembre 27, ang mga tsuper sa Davao City sa ilalim ng grupong Transmission-Piston. Ayon sa mga ulat, naparalisa nang 90% ang ruta ng Matina Aplaya at Matina Crossing kaninang alas-7 ng umaga. Nasa 80% naman ang natigil sa transportasyon sa ruta ng Toril. Bahagi ang tigil-pasada sa Davao ng serye ng mga […]
Pinakamalamang na walang taas-sahod sa susunod na taon, deklara ng kalihim ng Department of Labor and Employment na si Bienvenido Laguesma noong araw mismo ng Pasko. Aniya, ito ay para “mag-sink in” o “lubos na maramdaman” ng mga manggagawa ang dagdag-sahod na ipinatupad ng iba’t ibang regional wage board ngayon taon. Bahagya niya itong binawi […]
Nanawagan ang Partido Komunista ng Pilipinas, sa ika-55 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito, na “mapagpasya at masigasig na isulong ang isang kumprehensibong kilusang pagwawasto para sa mahalagang pakikibaka para itakwil ang mapaminsalang mga epekto at impluwensya ng iba’t ibang hibo ng burgis at petiburgis na suhetibismo.” Ang kilusang ito ay pangunahin para “itaas ang ating […]
Mayor na panawagan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang paglulunsad ng kagyat at puspusang kilusang pagwawasto ng buong Partido para “tukuyin ang mga kahinaan, pagkukulang at mga pagkakamali upang iwasto at pangibabawan ang mga ito, at humakbang nang mas malaki sa susunod na taon.” Laman ang panawagan sa pahayag ng Komite Sentral (KS) sa ika-55 […]
Pinaslang ng mga elemento ng 31st IB si Joseph Esperanzate, 42, sa kanyang tahanan sa Purok Iraya, Barangay Union sa bayan ng Gubat, noong Disyembre 17, bandang alas-4 ng umaga. Si Esperanzate ay dating naging myembro ng Bagong Hukbong Bayan (Bagong Hukbong Bayan) noong 2013 ngunit matagal nang nagbuhay sibilyan. Mula 2019, ilang beses na […]
Sa huling ulat na inilabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong Disyembre 21, umaabot na sa 68 mamamahayag at manggagawa sa midya ang kabilang sa 19,000 namatay sa gaza at West Bank mula Oktubre 7. Labinlima ang naiulat na sugatan, tatlo ang nawawala at 20 ang sinabing inaresto ng mga pwersa ng Zionistang Israel. […]
Nagsampa ng petisyon ang mga grupo ng tsuper at opereytor ng pampublikong pampasaherong sasakyan (public utility vehicle o PUV) sa Korte Suprema noong Disyembre 20 para pigilan ang implementasyon ng PUV phaseout sa darating na Enero. Hiniling nila, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), na maglabas ng […]
Bitbit ang mga bandila ng Kabataang Makabayan (KM), Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong Hukbong Bayan (BHB) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), nagraling-iglap ang mga kasapi ng KM-Timog Katagalugan (TK) sa kampus ng University of the Philippines (UP)-Los Baños noong Disyembre 19. Bahagi ang rali ng pagdiriwang ng KM sa ika-59 na […]
Kinundena ng BHB-Southeast Negros ang pagdukot at pagpresenta sa dalawang buntis na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros (Rachelle Mae Palang Command) na naka-medical leave ng mga sunalo ng 11th IB. Dinukot sina Jing Villacarillo (Ka Aubrey) at Ka Sara sa isang bahay sa Sityo Katubahan, Barangay Tayak, Siaton, Negros Oriental noong Disyembre […]