Nabigwasan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Quezon sa isang engkwentro ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB noong Abril 16 sa Barangay Tanauan, Real, Quezon. Ang yunit ng 80th IB na naka-engkwentro ng hukbong bayan ay nagsisilbing protektor ng mapangwasak na dambuhalang proyektong Real Wind Energy Project (RWEP) ng ACEN Corporation ng Ayala Corporation. Tatlo naman […]
Magkasunod na inilabas ng Sine Proletaryo at Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas)-Southern Tagalog ang isang bagong serye at album nitong Abril. Tinalakay sa mga ito ang buhay ng mga rebolusyonaryo at kanilang puspusang pagsisikap para itaguyod ang kilusang pagwawasto. Noong Abril 8, inilunsad ng Sine Proletaryo ang pinakabagong bidyo serye nito na “Buhay Gerilya” […]
Nagsama-sama ang mga grupo sa karapatang-tao at kaanak ng mga rebolusyonaryong martir noong Abril 12 sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City para parangalan ang kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng mga rebolusyonaryo para sa pambansa-demokratikong adhikain ng sambayanan. Pinangunahan ng Hustisya! (Pagkakaisa ng mga Biktima para sa Hustisya) ang aktibidad na may temang […]
Dinakip ng mga pwersa ng estado ang isang pamilya sa Sorsogon, dalawang magsasaka sa Quezon at Masbate, at mga kabataan sa Isabela sa nagdaang mga linggo. Pinararatangan sila ng iba’t ibang kasong kriminal at pagkakasangkot sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Noong Abril 17, dinakip ng mga pulis at ng 31st IB si Gilberto Tolentino, 50 […]
Paninindigan laban sa pagmimina. Sa isang porum sa Tabuk City, Kalinga noong Abril 12, nagpahayag ng pagtutol ang mahigit 100 mamamayan laban sa napipintong pagmimina ng Makilala Mining Company Incorporated (MMCI) sa kanilang bayan. Sasaklawin ng MMCI ang tatlong lugar sa Pasil, Kalinga—ang Maalinao, Caigutan at Biyog—na saklaw ng lupang ninuno ng Tribu Balatoc […]
Muling tumampok ang paggamit ng assumption of jurisdiction o AJ ng Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa pakikibaka ng mga manggagawa nang ginamit ito para pigilan ang napipintong welga sa Nexperia Philippines noong Pebrero. Isa ito sa tatlong AJ na inilabas ng kalihim ng DOLE sa unang kwarto ng 2025. Sa bisa ng […]
Download
Tinaguriang corn capital ang Cagayan Valley, partikular ang lalawigan ng Isabela, dahil sa laki ng ambag nito sa produksyon ng mais sa buong bansa. Pumapangalawa din ito sa produksyon ng palay. Sa kabila ng kasaganahang ito, sadlak sa kahirapan ang malawak na masa ng magsasaka sa rehiyon. Maliban sa pangunahing problema na kawalan at kakulangan […]
Noong Abril 2, inihayag ni Donald Trump, presidente ng US, ang 10% na taripa sa lahat ng mga import ng US, na magiging epektibo noong Abril 5. Kasama dito ang mas mataas na “tumbasang mga taripa” mula 11% hanggang 50% sa mga import mula sa 57 bansa. Kabilang dito ang 17% na “diniskwento” na pagtaas […]