Protektor ng mapangwasak ng proyekto, nabigwasan ng BHB-Quezon
Nabigwasan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-North Quezon sa isang engkwentro ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB noong Abril 16 sa Barangay Tanauan, Real, Quezon. Ang yunit ng 80th IB na naka-engkwentro ng hukbong bayan ay nagsisilbing protektor ng mapangwasak na dambuhalang proyektong Real Wind Energy Project (RWEP) ng ACEN Corporation ng Ayala Corporation.
Tatlo naman ang naging kaswalti ng AFP sa isang engkwentro ng BHB-Quezon (Apolonio Mendoza Command) laban sa nag-ooperasyong tropa ng Philippine Army sa Barangay Mabini, Lopez noong Abril 6, alas-10 ng umaga.
Samantala, isa ang napatay at apat ang nasugatang sundalo ng AFP sa magiting na depensa ng isang yunit ng BHB-Batangas (Eduardo Dagli Command) laban sa ambus ng 59th IB noong Abril 2 sa Barangay San Isidro, Rosario, Batangas.