Mga rebolusyonaryong martir, dinakila

,

Nagsama-sama ang mga grupo sa karapatang-tao at kaanak ng mga rebolusyonaryong martir noong Abril 12 sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City para parangalan ang kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng mga rebolusyonaryo para sa pambansa-demokratikong adhikain ng sambayanan. Pinangunahan ng Hustisya! (Pagkakaisa ng mga Biktima para sa Hustisya) ang aktibidad na may temang “Kagitingan at Paglaban: Parangal para sa mga Pinatay na Hors de Combat at Rebolusyonaryong Martir.”

Pinarangalan sa pagtitipon ang mga nabuwal na lider ng Partido Komunista ng Pilipinas, mga Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), mga upisyal ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), at nanawagan ng hustisya para sa mga hors de combat na mandirigma ng BHB na pinaslang ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Hustisya, naging okasyon din ito para muling pagtibayin ang pagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa sariling pagpapasya at pagdidiin na ang paghihimagsik ng mamamayan ay isang makatarungang adhikain.

Mga rebolusyonaryong martir, dinakila