Natulak ng sama-samang pagkilos ng mga tsuper at opereytor, sa pamumuno ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston), Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at Tanggol Pasada Network, ang rehimeng US-Marcos na muling iatras ang dedlayn ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) noong […]
Sinuspinde nang walang taning noong Enero 29 ng Commission on Elections ang proseso ng pagtanggap ng mga pirma na isinagawa ng People’s Initiative for Reform Modernization and Action (Pirma) para sa charter change (chacha) o pagbabago sa konstitusyong 1987. Taliwas ito sa unang pahayag ng komisyon na “tagatanggap” lamang ito ng mga pirma. Palusot nito, […]
Dalawang eksperto na ng United Nations (UN) ang nagrekomenda ng pagbubuwag ng National Task Force-Elcac dahil sa pinsalang idinudulot nito sa mga karapatan ng mamamayang Pilipino. Noong Pebrero 2, inirekomenda ito ni Irene Khan, UN Special Rapporteur para sa malayang pagpapahayag at opinyon, matapos ang kanyang 10-araw na imbestigasyon sa Pilipinas. Bago siya, inirekomenda na […]
Reporma sa lupa, giit ng mga magsasaka sa Bacolod City. Pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Negros at National Federation of Sugar Workers Negros (NFSW) ang dalawang araw na aktibidad ng mga magsasaka sa Bacolod City noong Enero 23-24 para igiit ang kanilang karapatan sa lupa. Noong Enero 23, nagpiket-dayalogo sila sa Provincial Agrarian […]
Halos isang buwan nang dumaranas ang mga rehiyon ng Davao at Caraga ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan na dala ng malalakas na hangin na sinundan ng namumuong bagyo. Noong Pebrero 2, may 772,000 indibidwal ang naitalang apektado at 409,000 ang napalayas sa kanilang mga komunidad. Sa huling ulat, nasa 17 […]
Click here to download.
Para sa amin, anak, malaki ang ipinagkaiba ninyo sa armi (AFP). Iba din kung nandiyan kayo kasi tumitigil sa masasamang gawain (ang mga sundalo),” kwento ni Tatang Rebo, isang magsasaka, habang naghahapag ng kape sa mga Pulang mandirigma na dumating sa kanyang kubo. Kararating lamang ng mga kasama noon sa lugar at sabik silang sinalubong […]
Nagmistulang lugar-digmaan ang karagatan ng Mindoro sa saklaw ng West Philippine Sea noong Enero 4-5 nang ilunsad ng US sa Cabra Island dito ang 2-araw na “maritime cooperative activity,” kasama ang tutang Armed Forces of the Philippines (AFP). Habang isinasagawa ang aktibidad, dalawang barkong pandigma ng China ang nakaabang sa di kalayuan sa lugar. Pambukas […]
Walang-awang pinaslang ng mga tauhan ng 2nd IB ang mag-asawang senior citizen na sina sina Pedro Regala, 78 anyos, at Florencia Regala, 67 anyos sa Barangay Toboran, Cawayan, Masbate noong Pebrero 5, 2024. Ang mga biktima ay dinampot sa kanilang tahanan, dinala sa liblib na bahagi ng sapa, walang-awang pinagbabaril, nilagyan ng ammo pouch at […]