Nag-umpisa na ang anihan ng sibuyas sa Bongabon, Nueva Ecija. Nagsisimula na din na maminsala ang harabas (armyworms). Gabi-gabi ay nag-iisprey ng pestisidyo ang mga magsasaka para labanan ang pag-atake ng salot na uod. Mahigit ₱100,000 ang nagagastos ng magsasaka sa bawat isang ektaryang sibuyasan para puksain ang harabas. Wala silang mapagpipilian kaysa matunaw ang […]
Taas-sahod, di taas-pasahe. Tumungo sa MRT Station sa North Avenue, Quezon City noong Pebrero 17 ang mga grupong manggagawa para iprotesta ang napipintong pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT nang ₱2 hanggang ₱14 kada byahe. Kasabay ang protesta sa isinasawang public hearing ng Department of Transporation. Martsa kontra liberalisasyon ng bigas. Nagpiket ang […]
Kasabay sa pagdiriwang noong Pebrero 8 sa kaawaran ni Kasamang Jose Maria Sison, inilunsad ng mga progresibo ang isang porum kung saan isa sa mga tinalakay ang ligal na katayuan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong Hukbong Bayan (BHB) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa internasyunal at lokal na mga batas […]
Pinagbabaril at napatay ng mga tropa ng 9th ID ang 17-anyos na sibilyang si Argie Salvador sa Sityo Sapang Bato, Barangay Canapawan, Labo, Camarines Norte noong Pebrero 11, ala-1:40 ng hapon. Pinalalabas ni Major General Adonis Bajao ng 9th ID na napatay si Salvador sa isang engkwentro ng tropa nito at ng Bagong Hukbong Bayan […]
Sunud-sunod ang mga kaso ng paglabag ng AFP sa internasyunal na makataong batas sa nagdaang mga linggo. Walang-awa at sadyang pinatay ng mga sundalo ng 94th IB ang dalawang hors de combat na mandirigma at isang sibilyang magsasaka noong Pebrero 5 sa Barangay Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental. Pinalalabas ng mga sundalo na napatay ang […]
Higit isandaang taon mula noong isulat ni Lenin ang mga katagang “Kung walang rebolusyonaryong teorya, walang rebolusyonaryong praktika,” patuloy na pursigidong inaaral at inilalapat ng mga kabataang kadre’t kasapi ng Partido ang Marxismo-Leninismo-Maoismo. Mahigpit nilang tinatanganan ang rebolusyonaryong teorya bilang sandata, laluna sa harap ng pinakamapanghamong panahon. Sa kasaysayan ng kilusang kabataan, hindi napigilan ng […]
Mahigpit na kinundena ng mga partido komunista, progresibong organisasyon at makataong mga institusyon ang imperyalismong US sa pagbabalat-kayong makatao matapos tamaan ang mga bansang Syria at Turkey ng serye ng mga lindol. Sa unang mga araw, nagbuhos ang US at mga alyado nito sa Europe ng tulong sa Turkey, habang lantarang binalewala ang trahedya sa […]
Hugot nga gikundena sa mga partido komunista, progresibong organisasyon ug makitawhanong mga institusyon ang imperyalismong US sa pagpakaaron-ingnong makitawhanon human maigo ang Syria ug Turkey sa mga linog. Sa unang mga adlaw, nagbubu ang US ug mga alyado niini sa Europe og hinabang sa Turkey, samtang dayag nga ginabalewala ang trahedya sa Syria. Mas grabe, […]