Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente ng MacArthur, Leyte laban sa pagmimina ng blacksand ng Mac-Arthur Ironsand Project Corporation (MIPC) sa kanilang bayan nitong Pebrero. Nasa likod ng operasyon ang dinastiyang Romualdez na may kontrol rin sa iba pang mapangwasak na pagmimina sa Eastern Visayas. Ang MIPC ay kontraktor ng Strong Built Mining Development Corporation […]
Nagprotesta ang mga grupong magsasaka at manggagawang-bukid sa harap ng Department of Agriculture sa Quezon City bilang paggunita sa ika-7 taong anibersaryo ng pagpasa ng batas para sa liberalisasyon ng importasyon ng bigas noong Pebrero 13. Mula 2019 hanggang 2026, lumaki ang importasyon ng bigas mula 2.57 milyong tonelada tungong mahigit 5 milyong tonelada. Nagresulta […]
Sa gitna ng pagbatikos sa China ng mga upisyal ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga maka-US na senador, sa pakitang-taong pagtaguyod ng soberanya ng Pilipinas, walang patid ang agresibo at interbensyunistang mga maniobrang militar at nabal ng US sa West Philippine Sea (WPS). Lalong pinalalaki ng mga maniobrang ito […]
Sa halos isang dekada ng huwad na programang modernisasyon sa transportasyon, lalong lumala ang kalagayan ng mga drayber at komyuter sa bansa. Sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP), dating Public Utility Vehicle Modernization Program o “jeepney phaseout,” mahigit 180,000 dyip ang tinanggal sa lansangan at humigit-kumulang 500,000 tsuper at opereytor ang nawalan ng […]
Download
Noong Pebrero 4, pumirma sa kasunduan ang gubyerno ng Pilipinas at US para sa “pagpapaunlad ng kooperasyon” sa pagmimina ng mga kritikal na mineral at rare earth sa bansa. Binuo ang kasunduan habang nasa pulong na 2026 Critical Mineral Ministerial na ginanap sa Washington. Maliban sa Pilipinas, bumuo ng parehong bilateral na kasunduan ang US […]
Mahigpit na kinundena ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Camarines Norte ang pagsuko, sukdulang pagkakanulo at pagtataksil sa masa nina Marlon Asis (alyas Pots) at Julie Grace Lola (alyas Haraly). Ang dalawa ay iniharap ng 42nd IB sa publiko bilang mga “surenderi” noong Pebrero 4 sa hedkwarters ng batalyon sa Labo, Camarines Norte. Sa pahayag ng 42nd […]
Naitala sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga kaso ng pagdukot, Red-tagging, panggigipit, at pagsampa ng gawa-gawang kaso laban sa mga magsasaka, manggagawa at tagapagtaguyod ng karapatang-tao. Pagdukot. Dinukot ng mga elemento ng 47th IB si Lolly Alperto, 60-anyos, magsasaka, habang namimitas ng kape malapit sa kanyang bahay sa Sityo Agpapataw, Barangay Binobohan, Guihulngan, […]
Dalawang dekada nang pinapasan ng masang Pilipino ang 12% value-added tax (VAT) mula nang sinimulan itong ipataw ng reaksyunaryong gubyerno noong Pebrero 2006. Mula 10%, itinaas sa 12% ang VAT at pinasaklaw sa halos 90% ng mga produkto at serbisyo. Ito ang pinakamataas na tantos ng VAT sa buong Southeast Asia. Ang VAT ay kinakaltas […]