Archive of Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command)

Mahigpit na pagtangan ng armas ang pagdakila ng Pulang hukbo kay Kasamang Joma!
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | Raymundo Buenfuerza | Spokesperson |

Nakikiisa ang pangrehiyunal na kumand sa operasyon ng New People’s Army sa Bikol at lahat ng kumand sa ilalim nito sa pagdakila sa dakilang buhay at pakikibaka ni Ka Jose Ma. Sison, isa sa mga pinuno ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1968. Hindi maitatatwa ang lahat ng kanyang naging ambag sa […]

Pulang pagpupugay para kay Ka Joma!
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Catanduanes (Nerissa San Juan Command) | Teresa Magtanggol | Spokesperson |

Pulang pagkilala at pagpupugay ang ipinapaabot ng Nerissa San Juan Command – NPA Catanduanes kay Ka Jose Ma. Sison, 83 taong gulang, pinunong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas at kadre ng proletaryong rebolusyon. Nakikiramay ang NSJC-NPA Catanduanes sa naiwang pamilya, mga kaanak, mga kasama at kaibigan ni Ka Joma. Isang malaking kawalan sa rebolusyonaryong […]

Ka Jose Ma. Sison, rebolusyonaryong martir at bayani ng sambayanang Pilipino
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa pagpanaw ni Kasamang Jose Ma. Sison, pinuno ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas, binabalikan ng JRC – NPA Masbate ang isang linya mula sa kanyang kathang tula, “katapangan hanggang huling hininga ang bumubuhay sa isang martir lagpas sa kanyang kamatayan.” Tunay ngang ang hindi pangkaraniwang katapangan ni Ka Joma sa pagpupundar ng […]

Bayani ng sambayanang Pilipino si Ka Jose Ma. Sison!
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Sur (Eduardo Olbara Command) | Ramona Caceres | Spokesperson |

Pinakamataaas na parangal ang iginagawad ng Eduardo Olbara Command – NPA Camarines Sur at lahat ng kumand ng NPA sa buong prubinsya kay Kasamang Jose Ma. Sison. Pumanaw si Ka Joma sa edad na 83. Dinadakila ng EOC ang mahigit limang dekada niyang tuluy-tuloy na paglilingkod bilang matapat at mahusay na lider-rebolusyonaryo at komunista. Punung-puno […]

Salamat sa iyong maniningning na rebolusyonaryong ambag, Ka Joma!
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Sorsogon (Celso Minguez Command) | Samuel Guerrero | Spokesperson |

Nakikiisa ang Celso Minguez Command – NPA Sorsogon sa lahat ng mga nagbibigay parangal at pagpupugay ngayon kay Kasamang Jose Ma. Sison. Labis na nalulungkot ang mga Sorsoganon sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamahuhusay na lider-komunista at lingkod-bayan ng kasalukuyang lipunang Pilipino. Gayunpaman, nais ipaabot ng CMC-NPA Sorsogon ang pagpapasalamat sa iniwang pamana ni […]

Dakilain ang buhay at pakikibaka ni Ka Jose Ma. Sison!
December 17, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng Armando Catapia Command – NPA Camarines Norte si Ka Jose Ma. Sison, isa sa mga pinuno ng muling pagtatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968. Ang kanyang pagpanaw ay simbigat ng bundok Labo ang kabuluhan. Ito ay dahil inialay niya ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa masang inaapi at […]

Hindi matatakasan ni Marcos Jr., AFP-PNP-CAFGU at lokal na naghaharing-uri ang mga krimen nito sa masang Masbatenyo
December 03, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Masbate killing fields. Literal na dumadanak ang dugo sa malawak na pastuhang prubinsya. Lantaran at brutal na pinapatay ng militar at pulis ang mga magsasaka para sa interes ng rantso, pagmimina, ekoturismo at iba pang pakana para sa kapitalistang pandarambong. Sa ilalim ng bagong rehimeng Marcos II, labing-isa na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang. Pinakabagong […]

Panibagong pamamaslang sa mga sibilyan sa Masbate tanda ng tumitinding desperasyon at takot ng AFP at PNP
November 21, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Magkasunod na pinaslang nitong Nobyembre 13, 2022 si Gilbert Julie Abunales Goylan, 46-anyos, may asawa at mga anak sa Sityo Madalamo, hangganan ng Barangay Palobandera at Barangay Del Carmen, Uson at si Rene Bartolata Garzon, 43-anyos, binata sa Sityo Pacquiao, Barangay Jagna-an, San Jacinto. Pinaslang si Garzon noong Nobyembre 13, alas-2 ng madaling araw ng […]

Ambus sa Placer dagdag lakas ng masa upang labanan ang paghaharing militar sa Masbate
November 09, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa pamamagitan ng kanilang BHB muling nakapagtala ng tagumpay ang mamamayang Masbatenyo sa pakikibaka laban sa nagpapatuloy na atakeng militar sa prubunsiya. Isang matagumpay na ambus ang ilinunsad ng Jose Rapsing Command-BHB Masbate laban sa mga tropa ng Cafgu sa Brgy. Manlot-od bayan ng Placer nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2022. Dalawang maiikling armas (cal. […]

Patuloy ang panawagan ng hustisya para sa limang biktima ng masaker sa Mandaon
October 25, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Sa araw na ito ginugunita ng mga pamilya at masang Masbatenyo ang ika-1 taon na pagdukot at pagmasaker ng pinagsanib pwersa ng 2nd IBPA at 96th MICO sa mga biktimang sina Roger Delaroso, Panot Bebeng, Ruel Delaroso, Lindo Montecalvo at isa pang hindi nakilala noong Oktubre 24, 2021 alas-4 ng madaling araw sa Brgy. Bogtong, […]