Nagmistulang lugar-digmaan ang karagatan ng Mindoro sa saklaw ng West Philippine Sea (WPS) dahil sa pang-uupat kapwa ng US at Tsina. Ipinagmalaki ng AFP at ng tropang US ang ginanap na dalawang araw (Enero 4-5) na “maritime cooperative activity” (MCA) o isang pinaikling balikatan exercises sa Cabra Island, Occidental Mindoro na saklaw ng West Philippine […]
Buhol-buhol ang dila at sinungaling si BGen. Cabangbang sa panibagong palabas niyang hindi pagdukot ang ginawa ng 203rd Brigade (Bde) kina Job Abednego David, Peter Del Monte, at Alia Encelo. Sa katunayan iligal na inaresto ng pasistang 203rd Bde sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 19 at noong Octubre 4 lamang nila inamin […]
Kasinungalingan ang ₱20 bawat kilong presyo ng bigas na ipinangampanya ng sabwatang pangkatin ng Marcos Jr-Duterte. Buong sambayanan ay umaalma ngayon sa pagsirit ng presyo ng bigas at batayang pangangailangan. Ang maka-imperyalistang mga programa sa agrikultura at bangkaroteng patakarang pang-ekonomiya ng rehimeng ito ang dahilan kung kaya bigo na naman ang sambayanan na matugunan ang […]
Ikinagagalit ng mga katutubong Mangyan at sambayanang Mindoreño ang walang tigil na mga operasyong militar ng 203rd Bde-PNP-MIMAROPA sa kanilang mga pamayanan at ang kaakibat nitong mga kaso ng karahasang militar sa mga sibilyan sa isla ng Mindoro. Sa ngalan ng kontra-insurhensya, mga sibilyan ang pangunahing biktima ng mapaminsalang operasyong FMO at RCSPO ng mga […]
Nananatiling hamon sa sambayanang Pilipino ang patuloy na paggunita sa Hunyo 12 bilang Araw ng huwad na Kalayaan ng Pilipinas. 125 taon na ang nakakaraan mula nang sinaklot ang bansa ng imperyalistang US, kakutsaba ang mga lokal na naghaharing-uring malalaking panginoong maylupa (PML) at bagong litaw na mga burukrata ng bagong tatag na republikang Pilipino. […]
Kinukondena ng NDFP – Mindoro ang patuloy na panggigipit kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga volunteers ng grupong Bigkis at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo sa isla ng Mindoro. Iligal silang dinakip at inaresto noong Abril 26, higit isang buwan na ang nakakaraan, […]
Kagalang-galang na Atty. Dennis Mosquera Regional Director CHR MIMAROPA Mainit at mapagpalayang pagbati! Kaisa ang NDFP-Mindoro, sampu ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito, sa adhikain at mandato ng inyong ahensya para sa proteksyon ng karapatang pantao na nilalaman ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at sa mga kaukulang batas, patakaran at programa sa […]
Dapat na maging alerto ang mamamayang Mindoreño sa nakaambang proyekto ng inutil na rehimeng US-Marcos II sa isla. Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni Marcos ang plano ng NuScale Power Corporation, isang kumpanyang nagpoprodyus ng small modular reactor (SMR) o maliliit na plantang nukleyar na pinopondohan ng gubyernong US, para di umano magsuplay ng dagdag kuryente […]
Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang utak-pulburang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa walang pakundangan nitong paghahasik ng teror at ligalig sa mamamayang Mindoreño. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang naganap sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8. Unang binomba ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29, 2023 na […]
Kailangan nang bigyang katarungan ang mga sinalanta ng oil spill mula sa MT Princess Empress. Tanging sa pamamagitan ng pagpanagot sa malaking burgesya kumprador (MBK) na si Ramon Ang na sangkot sa trahedya maigagawad ang katarungan na hinahanap ng mga apektadong sektor. Hindi biro ang idinulot nitong kahirapan sa masang naapektuhan lalo na ang mga […]