Mainit at militanteng pagbati ang ipinaaabot ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)-Mindoro sa lahat ng guro ngayong Pandaigdigang Araw ng Mga Guro. Nakikiisa ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro sa inyong kahilingan para sa makatwirang taas-sahod, sapat na pondo at suporta para sa sektor ng edukasyon. Pasan-pasan ngayon ng kaguruan ang krisis sa […]
Sa nagdaang linggo, matinding binaha ang Occidental Mindoro dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulang hatid ng Habagat. Sa partikular, 42 baryo sa limang bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan, at Sablayan ang direktang naapektuhan ng matinding pagbaha. Ayon sa pahayag ng mga residente, “taun-taon naman kaming binabaha pero pinakamatindi ngayong taon”. Sa tindi ng baha, […]
Noong September 12, 2024 naglabas ng Memorandum Circular N0. 64 ang elihitimong pangulong Marcos Jr. na nag-aatas na suspendihin ang trabaho sa mga opisina ng gubyerno pagsapit ng alas tres ng hapon sa September 23. Batay sa memo, layuning “bigyan ng buong oportunidad ang mga empleyado na ipagdiwang ang 32nd National Family Week”. Tuwing ikaapat […]
Pawang mga kasinungalingan at puro hangin ang laman ng huling pahayag ng sagad-sagaring paisistang si Eduardo Año, kasalukuyang National Security adviser ng rehimeng US-Marcos II, hinggil sa usapang pangkapayapaan. Ayon kay Año, hindi maaring mailunsad ang usapang kapayapaan sa pagitan ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines […]
Sa panahon man ng tagtuyot o malawakang pagbaha, walang maaasahang makabuluhang tulong mula sa ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Puro pagpapapogi sa kakarampot na ayuda, at militarisasyon ang solusyon ni Marcos Jr. sa mga trahedyang sinapit ng mamamayang Pilipino. Lalong bumulusok ang dati ng naghihikahos na kalagayan ng masang Mindoreño dahil sa malawakang pagkawala ng buhay […]
Mahigpit na nakikiisa ang NDF Mindoro sa mga manggagawa at magsasaka ng India na nakikibaka para sa kanilang lupa, kabuhayan, karapatan at, sa kahuli-hulihan, sosyalismo. Ngayong Buwan ng Pakikiisa sa India mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 20, ilulunsad ng mga yunit ng PKP-BHB-PDP sa isla at ng masang Mindoreño ang mga pangkulturang aktibidad at pag-aaral […]
Sa okasyon ng ika-36 taon ng pagsasabatas ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), patuloy na ipinapanawagan ng NDFP-Mindoro sa masang magsasaka na militanteng isulong ang rebolusyong agraryo (RA) na siyang tanging paraan para masakatuparan ang kanilang daantaong paghahangad sa lupa. Mula nang ipatupad ang CARP ng reaksyunaryong rehimeng US-Corazon Aquino, ito na ang […]
Isang taon na ang nakalilipas ng maranasan ng mga Mindoreño ang pinakamalaking trahedya sa karagatan nito, ang oil spill noong Pebrero 28,2023. Lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 900,000 litro ng langis sa karagatan ng Pola, Oriental Mindoro. Pangunahing dapat managot sa trahedyang ito ang RDC Reield Marine Services at ang charterer ng […]
Nananalasa sa Mindoro ang matinding tagtuyot dulot ng penomenon ng El Niño. Nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Mansalay at Bulalacao sa Oriental Mindoro at San Jose, Magsaysay at Looc sa Occidental Mindoro. Umabot na sa daang milyon ang pinsala sa agrikultura sa mga naturang bayan. Labas sa pag-dedeklara ng state […]
Sa makasaysayang araw na ito, binabati at binibigyang pugay natin ang lahat ng mga kababaihan sa Mindoro, sa bansa at sa buong mundo, sa patuloy nilang pakikibaka upang makamit ang pagpapabuti ng kanilang kalagayan at mga karapatan. Para sa mga kababaihan sa Mindoro at sa bansa, nangangahulungan ito ng pakikibaka sa lahat ng aspeto ng […]