Noong September 12, 2024 naglabas ng Memorandum Circular N0. 64 ang elihitimong pangulong Marcos Jr. na nag-aatas na suspendihin ang trabaho sa mga opisina ng gubyerno pagsapit ng alas tres ng hapon sa September 23. Batay sa memo, layuning “bigyan ng buong oportunidad ang mga empleyado na ipagdiwang ang 32nd National Family Week”. Tuwing ikaapat […]
Ngayong ginugunita sa buong bansa ang ika-52 okasyon ng pag-deklara ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr ng Batas Militar, sumusumpa kaming mga Mangyan ng Mindoro na aming ipagpapatuloy ang paglaban ng aming mga gurangon, kuyay, amayan, laki, ido, fufu ama at fufu ina sa pahirap, korap at uhaw-sa-dugong rehimeng US-Marcos II at paiigtingin ang […]
Pawang mga kasinungalingan at puro hangin ang laman ng huling pahayag ng sagad-sagaring paisistang si Eduardo Año, kasalukuyang National Security adviser ng rehimeng US-Marcos II, hinggil sa usapang pangkapayapaan. Ayon kay Año, hindi maaring mailunsad ang usapang kapayapaan sa pagitan ng reaksyunaryong Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines […]
Kailanma’y hindi naghangad ng tunay na kapayapaan ang rehimeng US-Marcos II. Muli nila itong pinatunayan sa pahayag ng Kalihim ng National Security Council na si Eduardo Año hinggil sa usapang pangkapayapaan. Liban sa pagsasara sa usapang pangkapayapaan, ipinagmayabang din ni Año na diumano’y umuusad at nagtatagumpay ang digmang kontra-insurhensya ng reaksyunaryong gubyerno upang ipilit na […]
Sa panahon man ng tagtuyot o malawakang pagbaha, walang maaasahang makabuluhang tulong mula sa ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Puro pagpapapogi sa kakarampot na ayuda, at militarisasyon ang solusyon ni Marcos Jr. sa mga trahedyang sinapit ng mamamayang Pilipino. Lalong bumulusok ang dati ng naghihikahos na kalagayan ng masang Mindoreño dahil sa malawakang pagkawala ng buhay […]
Pinagbalingan ng mga pasistang pwersa ng 203rd Brigade ang mga katutubong residente at ang mga lider sa aming mga komunidad dahil sa pinsalang tinamo ng mga pasistang sundalo laban sa nakasagupang yunit ng LDGC-NPA-Mindoro noong Hulyo 11. Tampok na kaso ang iligal na pag-aresto at pagpapakulong kay Sityo Lider Itaw Agrumyan ng So. Lukban, Barangay. […]
Mahigpit na nakikiisa ang NDF Mindoro sa mga manggagawa at magsasaka ng India na nakikibaka para sa kanilang lupa, kabuhayan, karapatan at, sa kahuli-hulihan, sosyalismo. Ngayong Buwan ng Pakikiisa sa India mula Hunyo 20 hanggang Hulyo 20, ilulunsad ng mga yunit ng PKP-BHB-PDP sa isla at ng masang Mindoreño ang mga pangkulturang aktibidad at pag-aaral […]
Sa okasyon ng ika-36 taon ng pagsasabatas ng huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), patuloy na ipinapanawagan ng NDFP-Mindoro sa masang magsasaka na militanteng isulong ang rebolusyong agraryo (RA) na siyang tanging paraan para masakatuparan ang kanilang daantaong paghahangad sa lupa. Mula nang ipatupad ang CARP ng reaksyunaryong rehimeng US-Corazon Aquino, ito na ang […]
Isang taon na ang nakalilipas ng maranasan ng mga Mindoreño ang pinakamalaking trahedya sa karagatan nito, ang oil spill noong Pebrero 28,2023. Lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 900,000 litro ng langis sa karagatan ng Pola, Oriental Mindoro. Pangunahing dapat managot sa trahedyang ito ang RDC Reield Marine Services at ang charterer ng […]
Nananalasa sa Mindoro ang matinding tagtuyot dulot ng penomenon ng El Niño. Nagdeklara na ng state of calamity ang mga bayan ng Mansalay at Bulalacao sa Oriental Mindoro at San Jose, Magsaysay at Looc sa Occidental Mindoro. Umabot na sa daang milyon ang pinsala sa agrikultura sa mga naturang bayan. Labas sa pag-dedeklara ng state […]