Archive of NDF-Mindoro

Magkaisa at itanghal ang tunay na mga kahilingan at mithiin ng mamamayang Mindoreño sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon!
February 22, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Daig pa ang teleserye sa telebisyon, nagsimula na nitong ika-11 ng Pebrero ang maingay at magarbong palabas ng mga naghaharing uri–ang panahon ng pangangampanya para sa Halalan 2025. Anumang pakitang gilas ng mga tumatakbong burukrata kapitalista, malaon naman nang batid ng masang Mindoreño ang likas na kabulukan sa pulitikang hawak at nagsisilbi lamang sa mga […]

Makatwiran at makatarungan ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka
December 27, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ito ay tugon ng National Democratic Front (NDF)-Mindoro sa pahayag ni Mayor Leo Cusi ng Roxas, Oriental Mindoro kaugnay sa naganap na labanan noong Disyembre 18 sa Sityo Tinis-an, Barangay San Vicente sa pagitan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga berdugong sundalo ng 4th Infantry Batallion (IB). Hayaan ninyong isa-isahin namin […]

203rd Brigade, papanagutin sa mga paglabag sa karapatang tao
December 24, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Mindoro ang 203rd Brigade sa isinagawang mga paglabag sa karapatang tao sa dalawang labanan sa Barangay San Vicente, Roxas at Barangay Lisap, Bongabong sa Oriental Mindoro noong Disyembre 18 at Disyembre 21 sa pagitan ng mga yunit ng Lucio de Guzman Command at AFP. Pinuntirya ng 203rd Brigade ang mga Mangyan Hanunuo […]

Panatilihing buhay ang diwa at turo ni Kasamang JMS!
December 16, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ngayong araw ating ibinibigay ang pinakamataas na pulang saludo at pagpupugay sa dakilang lider at dakilang guro ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng rebolusyong Pilipino na si Kasamang Jose Maria Sison. Dalawang taon na mula ng siya’y mamartir noong December 16, 2022 dulot ng karamdaman subalit nananatiling buhay na buhay ang diwang JMS at […]

Tugon ng NDFP-Mindoro kaugnay sa pahayag ni Mayor Rey Ladaga ng San Jose, Occidental Mindoro
December 12, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

  “Kung walang kongkretong paagsisiyasat, walang karapatang magsalita” – Mao Zedong 1. 1. Ito ay tugon ng NDFP-Mindoro kaugnay sa pahayag ni Mayor Rey Ladaga ng San Jose, Occidental Mindoro kaugnay sa naganap na labanan noong Nobyembre 23, 2024 sa Barangay Monteclaro San Jose sa pagitan ng isang yunit ng NPA at ng mga pasistang […]

Ipagpatuloy ang anim na dekadang militanteng kasaysayan! Kabataang Mindoreño, pag-aralan at isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
December 12, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Kabataang Makabayan-Mindoro |

Nag-aalab na rebolusyonaryong pagbati ang ipinaaabot ng Kabataang Makabayan (KM) – Mindoro sa lahat ng kasapi nito at lahat ng kabataang Mindoreño. Sa ika-60 taon ng pagkakatatag ng natatanging rebolusyonaryong organisasyon para sa ating mga kabataan, muli tayong manumpa ng ating pagtanggap sa tungkuling isulong at kumpletuhin ang pambansa demokratikong rebolusyon! Ang pagkakatatag ng KM […]

Mindoreño, palakasin ang rebolusyonaryong kilusang masa sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon!
November 29, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Ayon sa isang awit ng alternatibong musika, may tatlong panahon sa Pilipinas—ang tag-araw, tag-ulan at ang eleksyon. Inilalarawan nito ang pagkahumaling sa eleksyon pangunahin ng mga naghaharing uri na may iba’t ibang paksyon, padrino at interes subalit, nagkokoro naman sa pagsasamantala at pang-aapi sa masang Pilipino na napasasayaw pa nila sa mapanlinlang na kumpas ng […]

Muling palakasin ang rebolusyonaryong kilusang kabataang estudyante sa isla ng Mindoro! Kabataan, isanib ang husay at talino para sa interes ng mamamayang Mindoreño! Itakwil at labanan ang terorismo ng rehimeng US-Marcos II!
November 17, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Kabataang Makabayan-Mindoro |

Mainit na rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng Kabataang Makabayan-Mindoro sa lahat ng kabataang estudyante sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Estudyante sa buong mundo ngayong ika-17 ng Nobyembre. Malaki at krusyal ang naging tungkulin ng mga kabataang estudyante sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayang api sa buong daigdig. Dapat balikan ang militanteng kasaysayan […]

Mga guro, magkaisa! Makibaka para sa makatwirang taas-sahod at pambansa, siyentipiko at maka-masang edukasyon!
October 10, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mainit at militanteng pagbati ang ipinaaabot ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)-Mindoro sa lahat ng guro ngayong Pandaigdigang Araw ng Mga Guro. Nakikiisa ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro sa inyong kahilingan para sa makatwirang taas-sahod, sapat na pondo at suporta para sa sektor ng edukasyon. Pasan-pasan ngayon ng kaguruan ang krisis sa […]

US, pamilyang Marcos at mga lokal na kasabwat, panagutin sa matinding pagbaha sa Occidental Mindoro!
October 08, 2024 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Sa nagdaang linggo, matinding binaha ang Occidental Mindoro dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulang hatid ng Habagat. Sa partikular, 42 baryo sa limang bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan, at Sablayan ang direktang naapektuhan ng matinding pagbaha. Ayon sa pahayag ng mga residente, “taun-taon naman kaming binabaha pero pinakamatindi ngayong taon”. Sa tindi ng baha, […]