Archive of NDF-Southern Tagalog

Pagpupugay ng Kababaihan Sa Dakilang Buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza
November 10, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Makabayang Kilusang ng Bagong Kababaihan-Southern Tagalog | Veronica Makabayan | Spokesperson |

Sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza–ikalawang pangkalahatang kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Timog Katagalugan-Partido Komunista ng Pilipinas, magiting na proletaryadong lider at organisador, tunay na mukha ng militanteng katangian ng makabagong kababaihan–buong diwang pinagpupugayan ng lahat ng masang kababaihan ang kaniyang dakilang buhay at naging higanteng ambag sa pagsusulong ng […]

Pinakamataas na pagpupugay at pasasalamat sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza!
November 10, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Ang National Democratic Front-Cavite ay kaisa sa buong rebolusyonaryong mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan sa pag-aalay ng pinakamataas na pagpupugay at pagkilala sa dakilang buhay at pakikibaka ni Kasamang Josephine “Ka Sandy” Mendoza ngayong ginugunita natin ang ikalawang anibersaryo ng kanyang pagkamartir. Nagsilbi si Ka Sandy bilang kagawad ng Komite Sentral at pangalawang kalihim ng […]

Mainit ang pagsuporta ng KM-Cavite kay Kasamag Cleo Del Mundo, Bagong Tagapagsalita ng Melito Glor Command–NPA ST!
November 09, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) | Marjorie Topacio | Spokesperson |

Malugod na ipinaaabot ng Kabataang Makabayan Cavite (Balangay Cristina Catalla) ang suporta at pagbati kay Kasamang Cleo del Mundo bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command New People’s Army Southern Tagalog (NPA-ST)! Ang kasaysayan ng pakikibaka ni Kasamang Cleo mula sa pagiging kasapi ng Kabataang Makabayan sa lalawigan ng Quezon, ipinakita niya ang walang humpay […]

Isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng mga magigiting na martir ng Cavite!
November 07, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng Cavite ay nakikiisa sa pag-alala sa buhay at pakikibaka ng libo-libong mga rebolusyonaryong martir na nag-alay ng kanilang buhay sa ngalan ng pagwawakas sa pagsasamantala at paghahawan ng daan para sa pagtatayo ng sosyalistang bukas. Inaalala rin natin ngayong undas ang lahat ng aktibista, mamamayang naging biktima ng sakuna’t labis […]

Pagpupugay kay Kasamang Cleo del Mundo, bagong tagapagsalita ng MGC-NPA ST, boses ng bayan!
November 05, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Simeon Magdiwang | Spokesperson |

Ipinapaabot ng National Democratic Front-Cavite ang aming pinakamainit na pagsuporta at pagbati kay Kasamang Cleo del Mundo bilang bagong tagapagsalita ng Melito Glor Command NPA-ST! Lubos rin na nakikiisa at sumusuporta ang buong rebolusyonaryong mamamayan sa Cavite kay Ka Cleo bilang tinig ng rebolusyonaryong mamamayan sa rehiyong Timog Katagalugan. Opisyal na inanunsyo ng Office of […]

KM-Cavite solidarity message for peasant month celebration
November 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) | Marjorie Topacio | Spokesperson |

Kabataang Makabayan – Cristina Catalla Chapter firmly salutes and grasps the hands of our brave Farmers and Farmworkers in time with the escalating political situation in the country brought about by the mass exposure and disgust of the massive corruption of the Philippine government scoundrels led by their ringleader Marcos Jr. The Youth of Cavite […]

Parangal ng KM-Cavite kay Jordan Mopon
November 04, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) | Marjorie Topacio | Spokesperson |

Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Kabataang Makabayan – BCC kay Jordan “Ka Moy” Mopon, huwarang lider at kasapi ng PKP, Kumander ng Pulang Hukbo, at lingkod ng Demokratikong Rebolusyong Bayan sa mahigit dalawang dekada! Buhay na aral para sa mga kabataan Tila isang dakilang puno na malalim na nakaugat sa lupa ang winarak ng […]

Mamamayang Palaweño, magkaisa at makibaka upang wakasan ang korap na rehimeng US-Marcos!
October 26, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Malugod na binabati ng NDFP-Palawan ang mamamayang Palaweño na tumitindig at lumalahok sa iba’t ibang anyo ng protesta at paglaban sa korapsyon ng rehimeng US-Marcos. Sumasabay ang mamamayang Palaweño sa kumukulong klima ng pagkondena sa korap na rehimeng US-Marcos sa buong bansa. Salaminan nito ang militanteng pakikiisa nila sa panawagan ng pambansang protesta nitong Setyembre […]

Bagsak na presyo ng palay sa farmgate, lubos na pasakit sa magsasaka
October 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Hindi na makaahon ang mga magsasaka ng palay buhat nang ipatupad ang Rice Tarriffication Law (RTL). Mula 2019, danas nila ang pababa nang pababang presyo ng palay sa farmgate. Ngayong Oktubre, sumadsad pa ang presyo ng palay sa abereyds na ₱8 kada kilo kahit pa pilit ang pagtatakip ng DA. Sa kabila nito, labis pa […]

Jordan “Ka Boyong/Ka SY” Mopon, Dakilang Martir ng Rizal, Mahusay na Pulang Mandirigma at Kumander
October 23, 2025 | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | NDF-Rizal | CPP Rizal Provincial Committee |

“Sa ganito natin piniling ipagsilbi ang lakas, talino, husay at buhay natin. Mulat nating pinili ito kahit kapalit ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay dahil bahagi sila ng gusto nating paglingkuran, at saksi sila sa kaguluhan at kahirapang gusto nating wakasan.” —Ka Sy, sa isang panayam noong Pebrero 2024 DOWNLOAD Itanghal ang kadakilaan ng […]