Pinagpupugayan ng lahat ng rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna ang ika-61 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, kasabay ang kaarawan ng dakilang proletaryadong si Gat Andres Bonifacio! Nang itinatag ang KM noong 1964, tanda ito ng pangunguna ng kilusan ng kabataan-estudyante sa pagmulat sa malawak na hanay ng sambayanang Pilipino upang itaguyod ang pambansang demokratikong rebolusyon […]
Pangmatagalang hakbangin at hustisyang pangkalikasan at panlipunan ang kailangan ng Palawan, hindi huwad na proyekto at mga pabalat-bungang solusyon ng pambansa at lokal na gubyerno. Ito ang hiyaw ng mamamayang Palaweño sa papatinding epekto ng mga bagyo at natural na kalamidad na tumatama sa bansa ilang beses sa buong taon. Ngayong buwan, matinding pangwawasak na […]
Ang National Democratic Front-Cavite at Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) ay nag-aalay ng pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng rebolusyonaryong martir na nag-alay ng kanilang dakilang buhay para sa Rebolusyon. Kabilang dito ang naging susing tagapagtatag ng Kabataang Makabayan na si Kasamang Jose Maria Sison. Dakilain natin ang kanilang mga ala-ala sa […]
Patuloy na hinahatak ng imperyalismong US ang Pilipinas sa karimlan dahil bukod sa pagpapanatili ng bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal, nagpapatuloy ang panunulsol ng una sa huli ng gera sa China gamit ang hidwaan sa West Philippine Sea (WPS). Hindi mapawi ang takot at pangamba ng buong bayan dahil sa banta ng gerang hatid […]
Ang deklarasyon ni Marcos Jr na buong taong national state of calamity ay isang pampulitikang maniobra upang iligtas ang sarili sa bumubulwak na galit ng mamamayan sa pagkalantad ng gabundok na anomalya sa flood control project at iba pang imprastrukturang pang-agap sa mga sakuna. Inilabas ang deklarasyon noong Nobyembre 5 bilang tugon sa pinsalang iniwan […]
Lubhang kalunos-lunos ang kalagayan ng masang Mindoreño pagkatapos ng sunod-sunod na bagyong Opong, Tino at Uwan nitong Setyembre hanggang Nobyembre. Hindi pa man nakakabangon mula sa malawakang pinsala ng bagyong Opong sa kanilang buhay at kabuhayan ay sumunod naman ang malalakas na bagyong Tino, Uwan, at ilan pang mga bagyo. Hindi na bago ang pananalanta […]
Nananawagan ang NDFP-ST sa mamamayang Pilipino na magkaisa para muling ibangon ang sarili mula sa mga bagyo at iba pang sakunang nagdaan. Wala silang aasahang lakas kundi ang kanilang pagkakaisa sa gitna ng pambubusabos ng rehimeng US-Marcos II sa bayan. Kailangang labanan ang papet, korap, pabaya at pahirap na rehimeng US-Marcos II at kamtin ang […]
Pinatunayan muli ng rehimeng US-Marcos II na wala itong pakialam sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. Tahasang tinalikuran niya ang mandato ng estado na ibigay ang maayos na serbisyong panlipunan sa mamamayan. Matapos ang dalawang malalaking bagyo na humagupit sa Visayas at Luzon, wala nang nagawa si Marcos kung hindi humingi na lamang ng pasensya at […]
Ngayong ikalawang taon ng pagkamatay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza, marapat na bigyang buhay ang kanyang iniwang pamana sa muling pagpapasigla at pagsusustine ng mga pakikibakang bayan sa Timog Katagalugan. Ibinibigay ng NDFP-ST at ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang ubos kaya nilang lakas upang muling likhain ang daluyong ng pakikibaka ng kasaysayan bilang pagdakila […]
Ngayong araw, Nobyembre 10, inaalala ng mga kabataan ang ikalawang taon buhay na inialay ng isa sa haligi ng rebolusyon sa Timog Katagalugan na si Josephine Mendoza o kilala bilang Ka Sandy, Ka Minerva, Ka Luisa, Ka Marta. Si Ka Sandy ay nagsilbi bilang miyembro ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas at ikalawang […]