Hari at Reyna ng Korapyon BBM at Sara Duterte, Ibagsak! Malakolonyal at malapyudal na lipunan, Babagsak!
Ibinunyag ni Zaldy Co, ang mismong alyado at bagman ng magpinsang Ferdinand Marcos Jr. (BBM) at dating Ispiker ng Kamara Martin Romualdez, na ang puno’t dulo ng nakawan ng pondo ng bayan ay ang Malakanyang. ‘Inner Circle’ o pinakamalalapit na kampon ni BBM ang isinangkalan para iiwas ang patron na si BBM. Kagyat na isinagawa ang sunod-sunod na resignasyon: ang maglolo na si Lucas (Executive Secretary) at Adrian Bersamin (Presidential Legislative Liaison Office Chief) at ang mag-partner na si Amenah Pangandaman (Deparmant of Budget and Management Secretary) at Trygve Olaivar (Deparment of Education Undersecretary). Dagdag na bitak ito sa naghaharing paksyong Marcos.
Pero malinaw sa galit at napopoot na mamamayan, liban sa mga panatikong maka BBM at DDS, na ang Hari at Reyna ng Kawatan ay nasa Malakanyang at Opisina ng Bise Presidente. Ang mamamatay tao at dating Heneral na si Kuratong-balaleng Panfilo Lacson ay putak nang putak para pagtakpan at ilayo sa pananagutan si BBM. Ang “kontra-korapsyon” at mga opurtunistang Akbayan at iba na kapanalig nito ay pinuputakti ng bira si Sara Duterte, pero pinapangko at tikom ang bibig sa mga pagnanakaw sa pork barrel ni BBM na sa Unprogrammed Appropriations pa lamafng, ay nagkakahalagang ₱807 bilyon noong 2022, ₱732 bilyon noong 2024 at ₱363 bilyon noong 2025. Lalo lang tumitining ang pagiging oportunista ng grupong ito. Ang ICI at sarswela sa Senado ay malinaw ang pakay para iligaw ang mamamayan at protektahan, pangalagaan at i-abswelto ang Hari Ng Korapsyon na si BBM. Malinaw na wala tayong maaasahan sa mga palabas ng estado at kasalukuyang naghaharing paksyon ni BBM.
Sa kabila ng nagdudumilat na nakawan, korapsyon at garapalang katiwalian, kahit ang ilang burges at repormistang mga analyst at ilang taong simbahan ay tinutumbok, tahasang tinutuligsa ang kabulukan ng sistema at nanawagang dapat na palitan ito. Sa kabila nito, makapal pa rin ang mukha ni BBM na laanan ang sarili ng ₱27.3 bilyon, kasama na rito ang confidential & intelligence funds o CIF para sa taong 2026. Matatandaang naglaan siya sa nakaraan ng ₱15.9 bilyon sa CIF mula 2022-2025, ₱2.1 trilyon unprogrammed allocations mula 2023-2025 at ₱214.4 milyon sa 3,700 flood control projects na karamihan ay ma-anomalya at ghost o peke. Ang militar at PNP ay di rin nagpapahuli sa pangungulimbat mula sa komisyon sa modernisasyon ng AFP-PNP, ECLIP, Barangay Developemgnt Program sa ilalim ng NTF-Elcac, intelligence funds at ang TIKAS program kaya bundat ang tiyan sa kurakot at makakapal ang pitaka ng mga pangunahing kasangkapan ng estado para panatilihin ang naghaharing sistemang malakolonyal at malapyudal. Ang DPWH, mga senador at kongreso at iba pang ahensya ay hindi rin nawawalan ng insertions kaya sagad sa buto ang pagiging magnanakaw ng mga Burukrata Kapitalista.
Wasto na ang pambansa demokratikong rebolusyon ang tanging solusyon sa bulok na sistemang malakolonyal at malapyudal. Ibagsak ang tatlong salot na daang taon nang naghahari at nakakubabaw sa lipunang Pilipino na siyang ugat ng daang taong pagkabusabos ng mamamayang Pilipino. Parehong isinusuka ng mamamayan at iba pang demokratikong uri at sektor ng lipunan ang rehimen ni BBM at si Sara Duterte. Wasto ang panawagan na patalsikin ang Hari at Reyna ng Korapsyon.
Nararapat na ipinawagan ang Digmang Bayan, isang digmaan na tutugon sa kawalan ng lupa at magpapatupad ng libreng pamamahagi nito sa mga magsasaka. Ito ang babali sa gulugod ng Pyudalismo at wawasak ng monopolyong kontrol sa ekonomiya, politika at militar ng Imperyalismong US. Kaya sa saligan, dudurugin at magpapabagsak sa Burukrata-Kapitalismo ang Digmang Bayan. Sa loob ng higit limang dekada ng pagkakatatag ng PKP-MLM at BHB, naipunla sa malawak na kanayunan ng kapuluan ang binhi ng pulang kapangyarihan. Kasabay, naitatag rin ang mga milisyang bayan, mga komite para sa pagpapaunlad ng kamalayan, kabuhayan, pananggol sa sarili at iba pa. Mga panandang bato ito ng superyoridad ng naitayo at mga naipundar na demokratikong gobyernong bayan laban sa kasalukuyang reaskyonaryo at papet na estadong pinamumugaran ng mga mandarambong na burukrata-kapitalista.
Digmang bayan sagot sa kahirapan!
Ibagsak ang rehimeng US-Marcos Jr!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDF!