Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng NDFP-ST kay Josephine “Ka Sandy” Mendoza, isang ulirang lider ng rebolusyonaryong kilusan sa Timog Katagalugan. Namartir siya bunsod ng isang karamdaman. Ang kanyang walang pag-iimbot na paglilingkod sa masang Pilipino ay punumpuno ng maniningning na alaala at aral na nagbibigay-inspirasyon sa kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo. Hamon sa mga […]
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa Palawan, nagpupugay ang National Democratic Front-Palawan at lahat ng yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay isang dakilang pinuno at gabay ng rebolusyon sa Palawan. Sa rehiyong Timog Katagalugan, tumayo siyang ikalawang pangalawang kalihim ng Partido, at sa buong bansa bilang kagawad ng Komite Sentral. Pumanaw siya sa sakit noong Nobyembre 10, sa edad na 59.
Nakikiisa ang buong Revolutionary Council of Trade Unions-National Democratic Front of the Philippines-Southern Tagalog (RCTU-NDF-ST) sa pagdadalamhati ng kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kasama, mga rebolusyonaryong pwersa at inaaping masa sa rehiyon sa pagpanaw ng ating mahusay na pinuno at proletaryong lider sa Rehiyon na si Ka Sandy. Sa gitna ng ating pagdadalamhati ay iginagawad […]
Taas-kamao at taimtim na pagpupugay ang pinapaabot ng PKM-TK sa mahal na kasamang si Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Hindi madaling tanggapin ang iyong pagkawala ngayong pumanaw ka na, mahal na kasama. Pero ito ang mapait na katotohanan, lahat tayo ay mamamatay, at ang iyong pagpanaw ay sing-bigat ng bundok ng Siera Madre. Saksi ang masa […]
Taas-kamaong pakikiramay at pagpupugay sa pagkamartir nina Ka Pascual at Ka Rochie, mga mahal na kasamang pataksil na pinaslang ng mga mersenaryong 76th IBPA. Sila ay nadakip noong Nobyembre 13 sa Barangay Buong Lupa, Gloria, Oriental Mindoro. Si Ka Pascual ay nagmula sa mababang peti-burges at si Ka Rochie ay nagmula sa uring magsasaka. Sina […]
Naghihimagsik ang mga rebolusyonaryong manggagawa sa Laguna matapos mabalitaan ang brutal na pamamaslang ng armadong pwersa ng pasistang rehimeng US-Marcos Jr kay Jude Fernandez—isang lider-organisador ng uring proletaryo. Kailangang panagutan ng mga pasista ang kalupitang ito! Matatandaang noong Setyembre 29 ay sinalakay ng mga berdugong PNP-CIDG-4A ang tinutuluyan ni Fernandez sa Binangonan, Rizal. Naging saksi […]
Mariin ang pagtutol ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM)-Rizal sa pagkakatalaga kay Francisco Tiu Laurel bilang kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura (Department of Agriculture-DA). Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Tiu-Laurel sa mga namuhunan sa kandidatura ni Marcos Jr. sa halagang limampung milyong piso. Dalawampung milyong piso para kanyang kampanya at tatlumpung […]
Naninindigan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan na dapat nang tuluyang ipatigil ang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Barangay Maasin, Brooke’s Point. Labis na ang kasakiman at kawalang-hiyaan ng INC! Nagtataingang-kawali ito sa malalakas na pagkundena ng mamamayan ng Brooke’s Point sa inilunsad na serye ng mga pagkilos at barikada mula pa […]
Pinakamataas na pagpupugay sa mga martir ng sambayanan na nag-alay ng kanilang natatanging buhay para sa uring inaapi at pinagsasamantalahan sa buong daigdig! Nananatili sa diwa ng mga masa at kasama sa pakikibaka ang naging maningning na buhay ng bawat rebolusyonaryong martir na hanggang sa huling hininga ay hinarap ang tumitinding pasismo ng estado para […]
Tinatawagan ng National Democratic Front of the Philippines – Batangas ang bawat mamamayan ng probinsya lalo na ang mga boboto sa halalang pambarangay at sangguniang kabataan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) bukas, Oktubre 30, 2023 na ihalal at ipanalo ang mga kandidatong nakikita nilang titindig laban sa mga anti-mamamayang polisiya at tunay na […]