Inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB-Masbate) sa ilalim ng Jose Rapsing Command, ang kumbinadong mga aksyong opensiba habang papalapit ang pagdiriwang sa ika-56 taong anibersaryo ng pagkatatatag nito. Pinagkumbinang haras, demolisyon at pamamarusa ang isinagawa ng Pulang Hukbo upang bigwasan ang pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at mga CAFGU. Layunin ng BHB na pagbayarin […]
Nagbubunyi ang Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa ika-56 anibersaryo ng NPA na tangan ang mataas na militansya at optimistikong diwang magwawagi ang digmang bayan. Inspirasyon ng Pulang hukbo ang laksa-laksang mamamayang Pilipino na walang pag-aalinlangang sumusuporta sa kanila. Kung kaya sa gitna ng kilusang pagwawasto, panata ng NPA na suungin ang lahat ng mga […]
Pulang saludo at maalab na pagbati ang ipinapaabot ng NAAC sa okasyon ng ika-56 anibersaryo ng New People’s Army. Ang mahigit limang dekada ng armadong pakikibaka nito ay patunay ng matatag at puspusan nitong pag-ugat sa mamamayan ng buong bansa, sa pagsusulong ng isang makatarungang digmaan para kamtin ang pambansang demokrasya. Sa okasyong ito, bigyang-pugay […]
Paulit-ulit na kuwento ang pinapalabas ng Armed Forces of the Philippines para bigyang katwiran at papaniwalain ang sarili nila sa kanilang bigong kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan at sa mamamayan. Taun-taon na lamang ay nagdedeklara sila ng pagsugpo at malapit nang pagkadurog ng mga yunit ng NPA at sonang gerilya. Parehong mga litanya sa panahon […]
Mariing pinabubulaanan ng Bagong Hukbong Bayan-Cagayan Valley (Fortunato Camus Command) ang isa na namang tipo ng disimpormasyon at kasinungalingang nilulubid ng 5th Infantry Division, Philippine National Police (PNP-R2) at RTF-Elcac sa pagpaparada ng mga pekeng surenderi na pawang mga magsasaka at sibilyan. Kung sabagay, hindi na bago ang ganitong modus ng AFP-PNP. Ginagawang gatasan ng […]
Maalab na pagbati at pagpupugay ang ibinibigay ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro sa lahat ng magigiting na pulang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command, mga kasapi ng milisyang bayan, at mga kasapi ng yunit pananggol sa baryo sa ika 56 anibersayo ng pagkakatatag ng Bagong Hukbong Bayan. Malaking sampal ngayon sa AFP-PNP […]
Buong giting na hinarap ng mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan-West Camarines Sur (Norben Gruta Command) ang tangkang pag-atake ng pasistang militar ng 81st IBPA noong Pebrero 23, 2025, alas-5:30 ng hapon na saklaw ng Barangay Baya, Ragay, Camarines Sur. Matapos ang naganap na labanan, kagyat na nagkasa ng lakas-batalyon na operasyon ang mga […]
Pagkamuhi ng mamamayang Mindoreño, madugong rekord ng paglabag sa karapatang tao at kabiguan ng kontra-rebolusyonaryong digma laban sa nakikibakang Mindoreño: Ito ang kahiya-hiyang legasiyang minana ni Melencio Ragudo—ang pinakabagong punong kumander ng 203rd Infantry Brigade. Nitong Marso 15, sa isang seremonyang tiyak na pinagwaldasan ng pondo ng mamamayan, pormal na ipinasa kay Ragudo ang pamumuno […]
Masigabo at militanteng sinasalubong ng mga yunit ng NPA Southern Tagalog kapiling ang mamamayang api’t pinagsasamantalahan ang paparating na ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA sa Marso 29. Taas-noo at taglay ang diwang palaban, ipinagmamalaki ng NPA ang tagumpay ng rebolusyonaryong kilusan na biguin ang itinakda ng rehimeng US-Marcos II na deadline ng pagkawasak ng […]
Mariing pinabubulaanan ng Lucio de Guzman Command ang kasinungalingang ipinagkakalat ng 2nd Infantry Division (2nd ID), 203rd Brigade, at 4th Infantry Batallion sa diumano’y naganap na engkwentro sa pagitan ng NPA at tropa ng 4th IBPA sa Sitio Cabuyao, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro nitong Marso 14. Sa naganap kunong labanan ay napatay ang isang […]