Sukdulan ang pagkundena ng Lucio De Guzman Command-NPA-Mindoro ang garapal na pakana ng rehimeng US-Marcos-Duterte na burahin ang kasaysayan ng pakikibaka ng mamamayan noong panahon ng Diktadurang Marcos. Kasuklam-suklam ang memorandum na inilabas ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ng berdugong si Sara Duterte na nagtatanggal sa salitang “Marcos” upang isalarawan ang Diktadurang Marcos […]
Pawang buladas lamang ang binanggit ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II na mga “tagumpay” sa kanyang ikalawang SONA. Tulad ng inaasahan, puros kahibangan at delusyon lang ang sinambit ng rehimen kaugnay sa tunay na kalagayan ng bansa. Bilang beteranong salamangkero, lumikha ito ng ilusyon na sa isang taon, naihatid ng kanyang rehimen ang pagbabago at kaunlaran […]
Bumubula ng kasinungalingan ang bibig ng 203rd Infantry Brigade (203rdBde) sa pamumuno ni BGen Randolph G. Cabangbang sa paghahabi ng kwento kaugnay sa matagumpay na ambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) noong Abril 25. Tinambangan ng isang yunit ng LDGC ang isang tim ng 4IB kung saan […]
Matagumpay na inambus ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) ang tatlo-kataong tim ng 4th IBPA sa Lipitan, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro sa ganap na ika 6:00 ng hapon ng Abril 25. Napatay si Pvt. Mayu-ay Onaw habang nakatakas ang dalawa niyang kasamahan. Nasamsam ang service firearm […]
Sa gitna ng dislokasyong nililikha ng oil spill sa Mindoro, kinokondena ng LDGC-NPA Mindoro ang makadayuhan at militaristang hakbanging ipinatutupad ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II sa kampanyang paglilinis at rehabilitasyon ng karagatan ng Oriental Mindoro dulot ng paglubog ng MT Princess Empress. Naging tuntungan ang oil spill upang tusong maipasok ang mga pwersang militar ng […]
Dalawang (2) pwersa ng Special Action Force (SAF) ng PNP-MIMAROPA ang nasawi matapos ang isinagawang aktibong depensa ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) laban sa isang kolum ng nakapokus na operasyon ng 10tn Special Action Force Battalion at 203rd Brigade sa Sitio Naksib, Brgy. Sta Cruz, bayan ng […]
Kaisa ang Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro sa pagdakila sa kababaihan ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Daantaon na ang nakalipas mula nang nagbangon ang mga manggagawang kababaihan sa Europa upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa pagawaan. Minamarkahan ng araw na ito ang giting at tapang ng proletaryadong kababaihang nagsulong ng laban […]
Desperadong umaawit ng lumang tugtugin ang mga opisyal ng pasistang AFP-PNP-MIMAROPA sa kanilang pagmamalaki ng pekeng balita ng pagsuko ng 46 miyembro ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) nitong Enero 22. Isa na naman itong gasgas na pakana upang maghasik ng mabangis na kampanyang saywar sa hanay ng mamamayang Mindoreño. Sinungaling […]
Pulang saludo at taas kamaong pagpupugay at parangal ang ipinapaabot ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC) kay Kasamang Jose Maria Sison o Ka Joma, Tagapangulong Tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas – Marxismo-Leninismo-Maoismo (PKP-MLM), sa kanyang hindi matatawarang ambag sa pakikibaka ng sambayanang Pilipino upang makamit ang kalayaan! Pumanaw si Ka […]
Katawa-tawa ang buladas ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng berdugong Armed Forces of the Philippines (AFP), sa hindi nito pagrekomenda ng tigil-putukan (ceasefire) sa pagitan ng CPP-NPA-NDFP sa paparating na panahon ng Kapaskuhan. Buong kayabangan nitong sinambit na hindi na dapat pang pag-usapan ang pagpapanukala ng tigil-putukan dahil wala na silang makausap na tumatayong lider […]