Archive of Patnubay de Guia | Spokesperson

Palayain si Ernesto Lorenzo at iba pang detenidong pulitikal! Ituloy ang peace talks!
April 11, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nananawagan ang NDFP-ST na palayain ang detenidong pulitikal na si Ernesto Lorenzo. Si Lorenzo ay dinakip ng mga pwersa ng Southern Luzon Command noong Abril 11, 2022 habang nagpapabakuna laban sa COVID-19 sa Parañaque City. Siya ay NDFP consultant sa Timog Katagalugan. Makatwiran ang panawagan ng mga kaanak at mamamayan ng TK na palayain si […]

3 magsasaka sa Batangas, palayain! Papanagutin ang kriminal na 59th IBPA
April 09, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundina ng NDFP-ST ang pagdukot ng 59th IBPA sa tatlong magsasaka noong Marso 26 sa Balayan, Batangas. Paglabag sa internasyunal na makataong batas at maging sa due process ng reaksyunaryong batas ang pagdukot at iligal na pagpiit sa mga biktima nang walang kaukulang nakasampang kaso laban sa kanila. Dapat silang agad na palayain ng […]

Makatarungang mag-armas para tupdin ang pambansa demokratikong hangarin ng sambayanan! Mamamayan, sumapi sa NPA!
March 29, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Nagbubunyi ang NDFP-ST kasama ng buong bayan sa ika-54 anibersaryo ng pagkakatatag ng New People’s Army. Binabati nito ang magigiting na mga Pulang kumander, mandirigma at milisyang bayan na armadong lumalaban sa mga palalong pwersa ng pasistang estadong malakolonyal at malapyudal na tuta ng imperyalismo US. Kahanga-hanga ang pagtangan nila sa buwis-buhay subalit lubhang kinakailangang […]

Palayain si Alexa Pacalda, human rights worker na ipiniit ng estado!
March 19, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Kasuklam-suklam ang desisyon ng Lucena Regional Trial Court Branch 56 noong Marso 15 sa kaso ng human rights worker na si Alexandrea Pacalda na hinatulang guilty sa mga gawa-gawang kasong isinampa laban sa kanya ng pasistang 201st Brigade. Hindi makatarungan ang ipinataw sa kanyang parusang 10-taong pagkakakulong para sa kasong illegal possesion of firearms and […]

Kababaihan, magkaisa! Ipaglaban ang karapatan, kagalingang panlipunan at kalayaan sa imperyalistang pandarambong!
March 08, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mapulang pagbati ang ipinararating ng NDFP-ST sa Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), kasama ang lahat ng kababaihan sa Timog Katagalugan at buong Pilipinas, sa pagdiriwang ng ika-111 Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis. Minarkahan ang araw na ito na Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis bilang paggunita sa makasaysayang pagmartsa ng 15,000 kababaihan noong 1908 sa […]

Paigtingin ang mga pakikibakang bayan laban sa pangwawasak at pandarambong ng dayuhang pagmimina!
March 03, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Makatarungan at nararapat na paigtingin ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pagmimina sa harap ng mga pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte na isulong ito bilang “solusyon” sa bagsak na ekonomya ng Pilipinas matapos ang pandemya. Kaisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng sambayanan para tutulan at pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa rehiyon at buong bansa. […]

Gunitain ang Pag-aalsang EDSA sa diwa ng pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka!
February 26, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ipinaaabot ng NDFP-ST at mamamayan ng buong rehiyon ang mahigpit na pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986. Lagi nating alalahanin na sa ating pagkakaisa at marubdob na pakikibaka nagawang ibagsak ang kinamumuhiang diktadurang US-Marcos. Hinangaan at dinakila sa buong daigdig ang tagumpay na ito ng […]

Coco levy fund, ibalik sa magsasaka! Enrile at mga kroni, panagutin sa pandarambong sa mga magsasaka!
February 26, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagbabasura ng first division ng Supreme Court (SC) sa kasong graft kaugnay ng coco levy fund (CLF) na nakasampa laban kay Juan Ponce Enrile. Pinasisidhi nito ang kawalang katarungan para sa mga magsasaka sa niyugan na pinagnakawan ng diktadurang US-Marcos at kanyang mga kroni kabilang si Enrile. Sa paggulong ng […]

Ipagtanggol ang isla ng Sibuyan, Romblon mula sa mapanirang pagmimina!
February 13, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon. Makatwiran ang pagpapatigil ng […]

Manggagawa, itaguyod at isulong ang tunay, militanteng unyonismo!
February 07, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Ikinalulugod ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang positibong resulta ng International Labour Organization High Level Tripartite Mission (ILO HLTM) na inilunsad sa Pilipinas noong Enero 23-27. Sa HLTM, tinalakay ang kahilingan ng mga manggagawang Pilipino sa pagtataguyod ng karapatan sa paggawa at kinundena ang pandarahas ng estado sa kanilang hanay. Matapos ang HLTM, […]