Hindi dapat magtaka ang reaksyunaryong gubyerno at mga kapitalista kung salubungin ng pambabatikos ang ipinagmamalaki nilang P21-75 taas-sahod sa CALABARZON na inianunsyo nitong Setyembre 30. Lubhang maliit at hinati pa sa dalawang bigayan ang taas-sahod. Kahit idagdag sa kasalukuyang minimum wage sa rehiyon, hindi pa rin aabot ang sahod sa CALABARZON sa kalahati ng P1,200, […]
Nagpupugay ang NDFP-ST sa mamamayang Palestine na tuluy-tuloy na lumalaban para sa pambansang pagpapalaya at laban sa pasismo. Isang taon na mula nang naganap ang Al Aqsa Flood o ang pag-aalsa ng mamamayang Palestine para labanan ang tumitinding pang-aapi at pampulitikang panunupil ng Zionistang Israel sa Gaza at West Bank. Hanggang ngayon, nagpapatuloy ang marubdob […]
Makatwiran ang pagbabantay ng mamamayang Pilipino sa nagaganap na pagdinig ng Kamara sa 2025 pambansang badyet. Sa kalagayang nahaharap ngayon ang bansa sa walang kaparis na pagdarahop at pagdausdos ng kabuhayan, napakahalagang tiyakin ng taumbayan na mapupunta para sa kanilang kagalingan ang pondong nagmula mismo sa kanilang buwis. Ngunit gaya ng dati, walang aasahang kaunlaran […]
Sa ilalim ng paghahari ng rehimeng US-Marcos II, malaki ang hamon sa mga kabataan na ipagpatuloy ang pamana ng kasaysayan at panghawakan ang turan sa kanila na “pag-asa ng bayan”. Marapat na ibayong palakasin ang kanilang pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya sa gitna ng tumitinding pasismo ng estado. Sa nagdaang dalawang taon, ipinagpatuloy […]
Muling pinatutunayan ni National Security Adviser Eduardo Año ang pagiging nangungunang peace saboteur sa Pilipinas. Sa kanyang bibig mismo nanggaling na hindi niya nakikitang magaganap ang peace talks habang nagkakalat ng lason na “hindi nagkakaisa ang rebolusyonaryong kilusan sa pagharap sa negosasyon.” Malinaw na mga pakana ito para muling ibahura ang peace talks. Bilang isang […]
Ang naglalagablab na digmang sibil sa Pilipinas sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusan sa pamumuno ng PKP-BHB-NDFP at ng reaksyunaryo’t tutang estado ng GRP ay isa ring larangan ng paggigiit ng karapatan at dignidad ng tao. Sa proseso ng digmang sibil, talamak ang paglabag ng GRP sa karapatang tao at internasyunal na makataong batas (IHL). Isa […]
Panibagong delubyo sa buhay at kabuhayan ang kinakaharap ng mamamayan ng CALABARZON matapos na umabot sa dagat ng Cavite ang oil spill mula sa MT Terranova, MT Jason Bradley at MV Mirola 1 na lumubog sa dagat ng Bataan noong kasagsagan ng Bagyong Carina. Lumobo na sa 31,000 fisherfolks ng lalawigan ang apektado nito. Resulta […]
Ginugunita ng NDFP-ST ang Pandaigdigang Araw ng Katutubong Mamamayan noong Agosto 9 na may mataas na pagpaparangal sa mga pambansang minorya na walang pagod na nakikibaka para sa kanilang karapatan at nagtatanggol sa lupaing ninuno mula sa pandarambong at pangwawasak ng imperyalismo, kumprador-panginoong maylupa kasabwat ang mga burukrata-kapitalista. Kabilang sila sa mga bagong bayani ng […]
Hindi pa nakababangon mula sa epekto ng matinding El Niño ang mamamayan ng Southern Tagalog nang manalasa ang Bagyong Carina at hanging habagat nitong huling linggo ng Hulyo. Napasailalim sa state of calamity ang lalawigan ng Cavite, Batangas at Oriental Mindoro. Sa konserbatibong ulat ng gubyerno, umabot na sa P111.81 milyon ang pinsala sa agrikultura […]
Tulad ng kanyang amang diktador, nais ipinta ni Ferdinand Marcos Jr. na naihatid niya ang buong bansa tungong “kaunlaran” sa ilalim ng hungkag na islogang “Bagong Pilipinas”. Ang katotohanan, walang pagbabago sa Pilipinas dahil nananatiling malakolonyal at malapyudal ang katangian ng lipunan. Ang lipunang ito ay pamalagiang nasa krisis kaya’t patuloy na malulugmok ang bayan […]