Archive of CPP Southern Tagalog Regional Committee

Ang maglingkod para sa uring pinagsasamantalahan, buhay man ay ialay: Pinakamataas na pagpupugay at pagkilala sa mga rebolusyonaryong martir ng Balayan!
January 04, 2024 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | CPP Batangas Provincial Committee |

Ika-17 ng Disyembre, 2023, nawalan ang sambayanang Pilipino ng limang magigiting, mahuhusay, at mapagmahal na mga Pulang mandirigma sa isang depensibang labanan kontra sa pasistang mga pwersa ng 59th IBPA, Philippine Navy, at Philippine Air Force sa Brgy. Malalay, Balayan, Batangas. Iginagawad ng Komiteng Probinsya ng Partido sa lalawigan ang pinakamataas nitong pagpupugay at Pulang […]

Dakilain at gamiting tanglaw sa pagpapanibagong-lakas ang dakilang alaala at turo ni Kasamang Jose Maria Sison “Ka Joma” sa unang taon ng pagunita sa kanyang pagkamartir!
December 16, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Ang Komite ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan (PKP-TK) at ang buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon ay lubos, marubdob at taas kamaong nagpupugay at nakikiisa sa araw ng pagdakila kay Kasamang Joma Maria Sison — teoretisyan, makata at dakilang lider ng masang anakpawis, mga makabayan, demokratikong pwersa at proletaryong rebolusyonaryo sa buong bansa […]

Comrade Kathryn Tribute Message for Josephine Mendoza
November 30, 2023 | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) |

Binibigyang-pugay ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan at lahat ng yunit sa ilalim ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog si Josephine “Ka Sandy” Mendoza sa pag-aalay ng kanyang kaisa-isang buhay para sa bayan. Kasama ang buong sambayanan, nagluluksa ang Pulang hukbo sa rehiyon sa pagpanaw ng isang mahusay na proletaryong lider. Dinadakila siya […]

Pinakamataas na pagpupugay kay ka Laura! Artista't manunulat ng sambayanan, magiting na mandirigma at dakilang guro ng Hukbong Bayan sa Timog Katagalugan!
November 30, 2023 | Communist Party of the Philippines | New People's Army | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) |

Sa okasyong ito ng ika-160 na kaarawan ng dakilang bayaning Gat. Andres Bonifacio at araw ng kabataang Pilipino, ibinibigay ng Partido Komunista ng Pilipinas at Melito Glor Command – New People’s Army sa rehiyong Timog Katagalugan sampu ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan ang pinakamataas na pagpupugay at parangal kay Ka Laura/Esang/Tintin at kilala din […]

Pinakamataas na pulang pagpupugay kina Ka Tagub, Ka Bundo, Ka MC, Ka Esang at K Adja, ang pinakahuling bayani ng Mindoro at sambayanan, mga tunay na inapo ni Gat Andres Bonifacio!
November 29, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Mindoro Island Committee |

Sa ika-160 kaarawan ng bayaning si Andres Bonifacio iginagawad ang pinakamataas na pulang parangal at pagpupugay ng Komite sa Isla ng Partido Komunista ng Pilipinas -MLM, ng pang -islang kumand sa operasyon ng LDGC-NPA-Mindoro at ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa ilalim ng NDFP-Mindoro kina Kasamang Tagub/Roche (Peter Rivera), Ka Bundo/Pascual (Jethro Isaac Ferrer), Ka […]

Josephine Mendoza, kapita-pitagang anak ng Mindoro, pinakamataas na pulang pagpupugay at pasasalamat sa'yo!
November 26, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | CPP Mindoro Island Committee |

Pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Komite sa Isla ng Partido Komunista ng Pilipinas-MLM kasama ang Bagong Hukbong Bayan at rebolusyonaryong mamamayan kay Kasamang Josephine Mendoza na kilala din bilang Ka Marta, Ka Luisa, Ka Sandy sa kanyang buhay at pakikibaka na nagpamalas ng di-karaniwang ambag, husay, dedikasyon, walang pag-iimbot na pag-aalay ng buhay, tatag […]

Pulang saludo kay Ka Pascual, Pulang propagandista at manggagawang pangkultura!
November 18, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

“Hindi ko na maimagine ang sarili ko sa labas ng kilusan. Pero masaya nakong umabot ng 30 (years old) na buhay pa at patuloy na naglilingkod sa bayan.” Pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan sa Timog Katagalugan sa pagkamartir ni Jethro Isaac Ferrer, 31 […]

Pinakamataas na Pagpupugay kay Kasamang Josephine Mendoza: Isang Mahusay na Proletaryong Lider at Kadre ng Partido
November 15, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Noong Nobyembre 10, 2023, pumanaw si Kasamang Josephine Mendoza, kagawad ng Komite Sentral ng Partido at ikalawang pangalawang kalihim ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog Katagalugan. Nagluluksa ang buong Partido sa rehiyon sa kanyang kamatayan. Sa edad na 59 taong gulang, hindi nagmaliw ang matibay nyang pananalig sa kadakilaan at kawastuhan ng simulain ng […]

Suportahan ang digmang bayan ng mga Palestino para sa tunay na pambansang kalayaan! Kondenahin at labanan ang gyerang mapanakop at kampanyang henosidyo ng Israel at US laban sa sambayanang Palestino!
October 16, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa buong bansa at iba’t ibang grupo, partido at kilusan sa buong daigdig, nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan sa pagsuporta at pagpupugay sa inilulunsad na digmang bayan ng mamamayang Palestino laban sa pasista-teroristang estadong Israel. Nasa ubod nito ang aming pagkilala sa lehitimo at makatarungang pakikibaka […]

Pamunuan ang malawak na pwersang demokratiko para panagutin ang ilehitimong rehimeng US-Marcos Duterte sa mga katiwalian sa Eleksyong 2022
October 12, 2023 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Sunod-sunod na nalantad ang walang-kahihiyang pandaraya ng ilehitimong rehimeng US-Marcos-Duterte sa eleksyong 2022 na nagluklok sa kanila sa tuktok ng kapangyarihan ng lipunang malakolonyal at malapyudal. Tanda ito ng lubos na pagkabulok ng kasalukuyang naghaharing sistema. Kasuklam-suklam at tahasang paglabag sa demokratikong karapatan ng sambayanang Pilipino ang nalantad na dayaan sa gitna ng dinaranas na […]