Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

Itakwil ang mapandigmang imperyalismong US!
November 27, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Dapat tutulan at mariing labanan ang papasidhing paggamit ng imperyalismong US sa Pilipinas bilang instrumento ng imperyalistang pandidigma sa Asya-Pasipiko na siyang pahiwatig ng pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Palawan. Ang teroristang adyenda ng US na mang-upat ng gera para isalba ang humihina nitong kapit sa hegemonikong paghahari sa daigdig ay salungat […]

Linya ng AFP na malilipol ang NPA, gasgas na; kontra-rebolusyonaryong panunupil, mabibigo
November 14, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Nagkakalat na naman ng kasinungalingan si AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro na malapit nang maubos ang armas, kasapian at larangang gerilya ng NPA sa bansa. Layon ng kasinungalingang ito na bigyang matwid ang pagbibigay ng malaking pondo sa militar sa harap ng tumitinding krisis panlipunan. Kahit kailan, hindi malilipol ang NPA dahil sa malalim […]

Panagutin ang teroristang 203rd Brigade sa walang habas na pamamaril at pambobomba sa Rizal, Occidental Mindoro!
November 06, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Dapat panagutin ang berdugong 203rd Brigade (Bde) sa patuloy na paghahasik ng terorismo sa mamamayang Mindoreño. Inistraping ng mga palalong militar ang kapatagan ng Barangay Limlim (Rizal), Aguas, at Pitogo ng Rizal, Occidental Mindoro, 01:00 ng madaling araw ng Nobyembre 6. Nagpasabog ang mga ito ng 2 bala ng M203 na sinundan ng walang patumanggang […]

Uring magsasaka, pangunahing pwersa! Patuloy na isulong ang rebolusyon sa ilalim ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II
October 22, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) |

Dinadakila ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang uring magsasaka bilang pangunahing pwersa ng rebolusyon. Sila yaong bumubuo ng pinakamalaking bilang ng populasyon at nagtitiyak na may maihahain ang bawat pamilya sa kanilang hapag kainan. Ang Oktubre ay idineklara bilang Buwan ng mga Magsasaka. Ngunit sa kaibuturan nito, walang dapat na ipagdiwang ang mga magsasaka […]

Palayasin ang 4th IB, salot at terorista sa Mansalay, Oriental Mindoro!
October 09, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Dapat panagutin ang mersenaryong 4th IB sa ilalim ng 203rd Brigade sa pambubugbog at paglapastangan sa isang pamilya ng mga Mangyan-Hanunuo sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Setyembre 22. Ang 4th IB ay mga salot na dapat palayasin mula sa Oriental Mindoro at pagbayarin nang mahal sa kanilang walang pakundangang paglabag sa karapatang tao […]

Labanan ang panghahalihaw ng salot at pasistang 85th IB sa Quezon!
October 09, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Lalong ginagalit ng pasistang 85th IB ang mamamayan ng Quezon sa patuloy nitong paglulunsad ng focused military operations (FMO) at retooled community support program (RCSP) sa anyo ng mga “sensus” at paulit-ulit na pagpapatawag sa kampo ng mga pinaghihinalaan nitong tagasuporta ng NPA. Ang walang tigil na pagpapahirap ng militar sa masang magsasaka ang siyang […]

Tama na ang isang Marcos! Never Again to Martial Law!
September 21, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Hindi karaniwan ang paggunita ng sambayanang Pilipino sa deklarasyon ng Batas Militar ngayong buwan ng Setyembre. Dahil, una ay ika-50 taon na ito nang ibaba ng diktador na Marcos Sr ang paghaharing militar sa bansa, at ikalawa ay nakabalik silang muli sa Malacañang sa katauhan ni Bongbong Marcos. Parang mapait na biro ang nangyari, subalit […]

Panibagong dedlayn sa paglipol sa NPA, mabibigo
September 05, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Suntok sa buwan ang ipinagyayabang ng AFP sa katauhan ni Lt. Gen. Romeo Brawner, commanding general ng Philippine Army, na matatapos ang CPP-NPA-NDFP ngayong 2022. Inihayag ito ni Brawner sa inilunsad na pinakahuling command conference na dinaluhan ng matataas na opisyal ng AFP. Upang bigyang katwiran ang pagtatakda ng panibagong dedlayn, ikinatwiran ni Brawner na […]

Isinasapanganib ng pagsasanay na Balance Piston 22-3 ang buhay ng mga Palaweño
August 25, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Palawan (Bienvenido Vallever Command) | Andrei Bon Guerrero | Spokesperson |

Kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang inilulunsad na pagsasanay-militar sa pagitan ng tropang US at Pilipinas sa ilalim ng Balance Piston 22-3 Exercise sa Honda Bay, Puerto Princesa City at sa Punta Baja, bayan ng Rizal sa Palawan. Sinimulan ang nasabing pagsasanay noong Agosto 16 na tatagal ng isang buwan hanggang Setyembre 16. […]

Gapiin ang kontra-rebolusyonaryong gera sa ilalim ng bagong hepe ng AFP na si Bartolome Bacarro
August 20, 2022 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Magpupunyagi ang sambayanan upang biguin ang kontra-rebolusyonaryong gera sa ilalim ng bagong hepe ng AFP na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro. Dito sa TK, magpapatuloy at paiigtingin pa ng mga rebolusyonaryong pwersa ang higit isang taong paglaban kay Bacarro na nagsilbi sa 2nd ID at SOLCOM mula Abril 2021 hanggang Hulyo 2022. Ibayong magpapalakas at […]