Archive of Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)

80th IB, maton ng Rizal
August 27, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NAAC-NPA-Rizal ang nagpapatuloy na kaso ng physical assault ng 80th IB sa mga Rizaleño. Mula Hulyo, isa na namang kaso nito ang isinagawa ng elementong si Marvin Stamo nang kulatahin ang isang residente ng Sityo San Joseph, Barangay San Jose, Antipolo. Matatandaang noong Hunyo 29 lamang ay sinuntok ni Stamo ang isa […]

80th IB at 70th IB, ginugutom ang mamamayan ng Umiray
August 27, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | NPA-North Quezon | Eliza 'Ka Eli' dela Guerra | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng Apolonio Mendoza Command-NPA-North Quezon ang isa na namang bugso ng blokeyo sa pagkain sa kamay ng 80th IB at 70th IB, ginugutom ng kasundaluhan ang mamamayan ng Umiray. Ilang linggo nang kumakalam ang sikmura ng mamamayan sa kawalan ng pagkain at kabuhayan. Hindi man sinalanta ng nagdaang Bagyong Carina ang Barangay Umiray, […]

Puspusang isulong ang armadong pakikibaka at kamtin ang kapayapaang nakabatay sa katarungan!
August 25, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Kontra kapayapaan at di mapagkasundo ang pinuno ng National Security Council na si General Eduardo Año sa iresponsableng pahayag nito hinggil sa pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas(GRP) at ng National Democratic Front of the Philippines(NDFP). Ang hakbanging ito ng National Security Council at ng rehimeng US-Marcos II ay […]

Ang Peace Talks ay Hindi Pagtatakwil ng Armadong Pakikibaka ng Mamamayan
August 24, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Quezon (Apolonio Mendoza Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Sagad sa buto ang pagiging kontra-kapayapaan ng dating Heneral Eduardo Año na ngayo’y pinuno ng National Security Council. Nakakasuklam ang pahayag niyang malabong maganap ang peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP dahil sa hindi pagkakaunawaan at pagkakasundo. Ipinasa pa ni Año ang sisi sa NDFP, gayong ang NSC ang numero unong kapos ang […]

Mahigpit na hawakan ang ating armas! Ibayong isulong ang armadong pakikibaka!
August 24, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Itinatakwil ng NPA-Southern Tagalog ang pahayag ni National Security Adviser Eduardo Año noong Agosto 19 na hindi manunumbalik ang peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP hanggat hindi itinitigil ang armadong pakikibaka na pinamumunuan ng CPP-NPA-NDFP sa bansa. Sa esensya, hinahamon ng pasistang heneral ang armadong rebolusyonaryong kilusan na magsalong ng armas bilang kundisyon […]

Kabataan, isanib ang inyong mga pangarap sa pambansa demokratikong mithiin ng masang api!
August 21, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Nag-aalab na rebolusyonaryong pagbati ang ipinaaabot ng Lucio de Guzman Command-BHB Mindoro (LDGC-BHB Mindoro) sa mga kabataang Mindoreño at lahat ng kabataang makabayang lumalaban para sa tunay na malayang kinabukasan para sa lahat sa Pambansang Araw ng Kabataan na nagdaan nitong Agosto 12. Nakatatak na sa kasaysayan ang di nagmamaliw na mapanlabang diwa ng hene-henerasyon […]

Ka KM: Rebolusyonaryo, Pulang kumander, magiting na martir at bayani ng sambayanan
August 05, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Mataas na pulang saludo ang iginagawad ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog kay Wally “Ka Honda/KM” Agudes, magiting na Pulang kumander ng Narciso Antazo-Aramil Command-NPA Rizal, kadre ng Partido at rebolusyonaryong asawa at ama. Si Ka KM ay pataksil na pinaslang ng 80th IBPA noong Hulyo 18, alas-10 ng gabi sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal. […]

Pasistang atake ng 203rd brigade, binigo ng NPA Mindoro
July 31, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Armando Cienfuego | Spokesperson |

Binabati ng Melito Glor Command (MGC)-NPA Southern Tagalog ang magigiting na Pulang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro sa pagbigo sa pang-aatake ng 203rd Brigade noong Hulyo 11 sa Sityo Lukban, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, bandang 6:05 ng umaga. Tatlo ang patay sa hanay ng 203rd Brigade habang ligtas na […]

Panagutin ang 80th IB sa walang awang pagpatay sa isang hors de combat
July 29, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) | Macario 'Ka Karyo' Liwanag | Spokesperson |

Sisingilin ng NAAC ang inutang na dugo ng berdugong 80th IB sa walang awang pagpatay kay Wally “Ka Km” Agudes sa Sityo Marang, Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal noong Hulyo 18. Tahasang paglabag sa Internasyunal na Makataong Batas ang ginawa nitong sadyang pagpatay kay Ka Km na isang hors de combat o walang kakayahang lumaban dahil […]

Malawakang nakapokus na operasyon ng 203rd Brigade sa Timog Mindoro, binibigo!
July 23, 2024 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | NPA-Mindoro (Lucio De Guzman Command) | Madaay Gasic | Spokesperson |

Binigo ng isang yunit ng Lucio de Guzman Command-NPA-Mindoro ang pag-atakeng inilunsad ng 203rd Brigade noong ika-11 ng Hulyo 2024 sa Sityo Lukban, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Aktibong pagdepensa ng Pulang Hukbo ang kinaharap ng umaatakeng pasistang tropa ng reaksyunyaryong gobyerno. Sa naganap na labanan bandang 6:05 ng umaga na tumagal ng 20 minuto, […]