Hindi pa man nakakadalawang taon sa pwesto ang rehimeng US-Marcos II, umaabot na sa daan-daang mamamayan ang biniktima nito sa probinsya ng Batangas sa pangunguna ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army. Mula Enero 2023, nakapagtala na ng 75 kaso ng iba’t ibang porma ng human rights violation na mayroong 271 na biktima. Pinakamasahol sa […]
Binibigyang-pugay ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan at lahat ng yunit sa ilalim ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog si Josephine “Ka Sandy” Mendoza sa pag-aalay ng kanyang kaisa-isang buhay para sa bayan. Kasama ang buong sambayanan, nagluluksa ang Pulang hukbo sa rehiyon sa pagpanaw ng isang mahusay na proletaryong lider. Dinadakila siya […]
Dapat ilantad at kundenahin ang hungkag na “amnestiya” na iniaalok ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II para sa mga diumanong “kasapi ng CPP-NPA-NDFP at mga prente nitong organisasyon”. Ito ay pailalim na pang-aatake sa karapatang tao at tahasang panlilinlang sa mamamayan. Ipinatutupad ang nasabing pakana sa pamamagitan ng Proclamation 404 ni Ferdinand Marcos Jr na pinirmahan […]
Sa okasyong ito ng ika-160 na kaarawan ng dakilang bayaning Gat. Andres Bonifacio at araw ng kabataang Pilipino, ibinibigay ng Partido Komunista ng Pilipinas at Melito Glor Command – New People’s Army sa rehiyong Timog Katagalugan sampu ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan ang pinakamataas na pagpupugay at parangal kay Ka Laura/Esang/Tintin at kilala din […]
Sa paggunita ng ika-160 taong kapanganakan ng magiting na bayani ng masang anakpawis at isa sa mga tunay na anak ng bayan na si Gat Andres Bonifacio, muli nating sariwain ang diwa ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa kanyang adhikain para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Karugtong ng dakilang rebolusyong 1896 nina Bonifacio ang […]
Mainit na rebolusyonaryong pagbati sa mga kabataang kasapi ng Kabataang Makabayan sa Timog Katagalugan! Pagpupugay sa ika-59 na anibersaryo ng Kabataang Makabayan! ▽ DOWNLOAD Kaisa ninyo kami sa Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog sa pagdiriwang sa tuluy-tuloy at hindi napapatid na pagsusulong ng rebolusyon ng mga kabataan sa bawat henerasyong lumipas. Napakamakabuluhang okasyon ang pagsapit […]
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa Palawan, nagpupugay ang National Democratic Front-Palawan at lahat ng yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay isang dakilang pinuno at gabay ng rebolusyon sa Palawan. Sa rehiyong Timog Katagalugan, tumayo siyang ikalawang pangalawang kalihim ng Partido, at sa buong bansa bilang kagawad ng Komite Sentral. Pumanaw siya sa sakit noong Nobyembre 10, sa edad na 59.
Ang mga rebolusyunaryong mamamayan sa buong South Quezon-Bondoc Peninsula- Quezon-Bicol Zone ay nakataas ang kamao at ang bawat Pulang kumander at mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ay nakasaludo sa pagkilala sa pagkamartir at kadakilaan ni Kasamang Josephine Mendoza.
Mariing kinukundena ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-NPA Mindoro ang ginawang pagpaslang ng 76th IBPA kila Jethro Isaac “Ka Bundo” Ferrer at Peter “Ka Rochie” Rivera, mga Pulang mandirigma na nadakip sa proseso ng pagdalaw sa Barangay Buong Lupa, Gloria, Oriental Mindoro noong Nobyembre 13. Ang dalawang mandirigma ay maikukunsiderang prisoners of war at sa […]
Dapat ilitaw at palayain ng AFP-PNP sina Ka Ed (Sonny Rogelio) at Ka Omeng (Sonny Sambutan), mga mandirigma ng Lucio de Guzman Command – NPA-Mindoro na nabihag ng 203rd Brigade at PNP-SAF matapos ang isang engkwentro noong Oktubre 17 sa Bongabong, Oriental Mindoro. Sugatan si Ka Ed at isang hors de combat o wala sa […]