Archive of Articles

14th IB, inambus ng BHB-Leyte
October 21, 2025

Sa lapit na limang metro, pinaputukan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Leyte Island (Mt. Amandewin Command) ang pasistang tropa ng 14th IB sa bayan ng Javier, Leyte noong Oktubre 15 ng umaga. Ayon sa yunit, marami ang naitalang kaswalti sa mga berdugong sundalo. Ang yunit ng 14th IB na nasa erya ay nagsasagawa […]

Panawagan ng mga magbubukid, dinala sa pambansang kabisera
October 21, 2025

NAglunsad ng isang linggong protesta ang mga organisasyon ng magsasaka kasama ang iba’t ibang sektor bilang paggunita sa buwan ng mga pesante. Para itampok ang panawagan ng mga magbubukid, itinayo nila ang isang kampuhan sa harap ng Department of Agrarian Reform Central Office sa Quezon City simula Oktubre 15 hanggang 21. Inilunsad sa kampuhan ang […]

Binabagtas ng mga propesyunal ang landas ng digmang bayan
October 21, 2025

Sa harap ng papatinding pasismo ng rehimeng Marcos, lalong nag-aalab ang rebolusyonaryong determinasyon ng mga guro, duktor, nars, siyentista, inhinyero at iba pang propesyunal na lumahok at sumuporta sa digmang bayan. Tuluy-tuloy na nilang pinalalakas ang kani-kanilang mga rebolusyonaryong organisasyon para magsilbing balon ng suporta at bagong mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Sa […]

Sa madaling salita
October 21, 2025
6 na dekada ng mga nakamit ng kilusang magsasaka sa Eastern Visayas
October 21, 2025

Sa harap ng laganap at tumitindi pang pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa Eastern Visayas (EV), marapat lamang na magbalik-tanaw ang masang magsasaka sa kasaysayan ng kanilang sama-samang pakikibaka. Dapat silang humalaw ng mga aral at inspirasyon sa anim na dekada ng maniningning na tagumpay na nakamit sa sama-samang pakikibaka. Gamit ang rebolusyonaryong gabay para […]

Mga protesta
October 21, 2025

  Aksyon kontra demolisyon sa Marikina. Napigilan ng mga residente ng Agora, Barangay Sto. Niño, Marikina City ang planong demolisyon sa kanilang komunidad noong Oktubre 15. Nagtayo sila ng kampuhan noong Oktubre 14. Mahigit 53 maralitang pamilya ang nanganganib na mapalayas sa komunidad sa kabila ng kanilang mahigit 40 taon na paninirahan sa lugar. Dahil […]

Tigil-putukan sa Gaza, hindi sapat; pagtigil sa henosidyo, ipinanawagan
October 21, 2025

Ipinatupad sa Gaza mula Oktubre 14 ang isang tigil-putukan sa pagitan ng Zionistang estado ng Israel at grupong Hamas na pinamagitan ng US. Taliwas sa ipinagmamayabang ng presidente ng US na si Donald Trump, hindi ito isang “regalong diplomatiko,” kundi resulta ng di natitinag na paninindigan ng mamamayang Palestino na tumangging isuko ang kanilang bansa. […]

Petisyon para sa interim release ni Duterte, ibinasura ng ICC
October 21, 2025

Ibinasura ng mga husgado ng Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court (ICC) ang petisyon ni Rodrigo Duterte para sa interim release o pansamantalang paglaya noong Oktubre. Anito, malaki ang potensyal na takasan niya ang hustisya at pakialaman ang mga saksi lalo’t nananatiling makapangyarihan ng kanyang pamilya sa Pilipinas. Mabigat na isinaalang-alang ng ICC ang […]

Panibagong kampanyang agresyon at destabilisasyon ng US laban sa Venezuela
October 21, 2025

Mula Setyembre, anim na sasakyang pandagat na mula diumano sa Venezuela ang pinasabog ng US sa Carribean Sea sa akusasyong naglalaman ang mga ito ng mga “narko-terorista” at nagbibyahe ng iligal na droga. Isinagawa ang mga pagpapasabog bilang bahagi ng panibagong serye ng agresyong militar sa Venezuela na walang batayang inaakusan ng presidente ng US […]

Pahiluagon an kagiusan protesta agud tapuson an rehimen US-Marcos!
October 21, 2025

Padayon nga ginbabay-og han pampulitika nga krisis an reaksyunaryo nga estado nga ginpapadalagan han mga burukrata-kapitalista. Diri nakalma ngan niruniyan naglalarab an kangalas han masa ha nabubuksas nga mas damo nga kaso han korapsyon. Diri napaparong an kagiusan nga walkout han mga estudyante, ngani nagsasamwak pa ha mga unibersidad ha Manila ngan iba pa nga […]