Petisyon para sa interim release ni Duterte, ibinasura ng ICC

,

Ibinasura ng mga husgado ng Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court (ICC) ang petisyon ni Rodrigo Duterte para sa interim release o pansamantalang paglaya noong Oktubre. Anito, malaki ang potensyal na takasan niya ang hustisya at pakialaman ang mga saksi lalo’t nananatiling makapangyarihan ng kanyang pamilya sa Pilipinas.

Mabigat na isinaalang-alang ng ICC ang impluwensya sa pulitika ng pamilyang Duterte. Binanggit ng korte ang pahayag ng kanyang anak na si Sara Duterte na nagmayabang na “itatakas” niya ang kanyang ama sa ICC at akusasyong “pagsasabwatan” ng ICC at ng gubyerno sa Pilipinas.

Petisyon para sa interim release ni Duterte, ibinasura ng ICC