Archive of Articles

Balangay ng PKM, naitayo sa gitna ng operasyong militar sa Negros
September 07, 2025

Determinado ang Partido, Bagong Hukbong Bayan at buong rebolusyonaryong kilusan sa Negros na patatagin ang baseng masa sa saklaw nito. Ibinibigay nila ang buong lakas, katapangan at walang pag-aalinlangan sa pagpapatupad ng gawaing masa sa gabay ng kilusang pagwawasto sa harap ng walang humpay na operasyong militar sa larangang gerilya. Sa halos buong buwan ng […]

4 na aktibista at magsasaka, iligal na inaresto
September 07, 2025

Tatlong kaso ng pag-aaresto, isang kaso ng walang pakundangang pambobomba at mga kaso ng sarbeylans at panggigipit ang naiulat na mga paglabag sa karapatang-tao nitong nakaraang dalawang linggo. Sa Southern Leyte, inaresto ng mga pwersa ng estado ang 61-taong gulang na si Felixberto Consad, myembro ng Piston sa Butuan City, sa kanyang bahay sa Sogod […]

Pakikibakang manggagawa
September 07, 2025

  Tanggalan sa Wyeth, tinutulan. Binatikos ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU-DFA-KMU) ang iskemang “cluster crew” na planong ipatupad ng kumpanya sa pabrika. Ayon sa unyon, paraan ito ng pleksibilisasyon na magdadagdag ng trabaho sa manggagawa, paglipat sa ibang seksyon sa produksyon, at posibleng humantong sa tanggalan. Lumitaw ang planong pagpapatupad ng “cluster crew” […]

Pagsulong ng makabayan at demokratikong pakikibaka ng kabataang Pilipino
September 07, 2025

Tangan ang mga plakard, bandila, at megaphone, puspusang isinusulong ng kabataang Pilipino ang kanilang makabayan at demokratikong pakikibaka sa harap ng pinatinding atake ng rehimeng Marcos at National Task Force-Elcac laban sa kanila. Hindi sila nagpapabusal, at tumatangging maging kimi at yumuko sa pasistang dikta ng estado. Sa nagdaang mga linggo, iba’t ibang aktibidad ang […]

Pagbabase ng tropang Australian sa Pilipinas, estratehiya ng US
September 07, 2025

Nitong nakaraang mga buwan, sunud-sunod ang mga war games na inilunsad ng Australia sa Pilipinas. Ang mga ito ay alinsunod sa estratehikong plano ng pagtatanggol ng hegemonya ng US sa Asia-Pacific, kung saan malaki ang bentahe ng Australia. Isa sa mga war games Alon 2025, na isinagawa sa lupa at karagatan ng Palawan, Mindoro at […]

Planong pagmimina sa Nueva Vizcaya at Benguet, tinutulan ng mamamayan
September 07, 2025

Kinundena ng mamamayan ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya ang planong pagmimina sa kanilang komunidad. Noong Agosto 4, binigyan ng Mines and Geosciences Bureau ang Woggle Corporation, kumpanyang nakabase sa United Kingdom, ng exploration permit para aralin ang mineral na makukuha sa bayan. Planong sakupin ng kumpanya ang 3,102 ektaryang lupain ng limang barangay o […]

Pagpupugay at paggunita sa mga Martir ng Agosto ng Panay
September 07, 2025

Sa okasyon ng unang taong anibersaryo ng mga Martir ng Agosto ng Panay, nagbalik-tanaw sa kanilang buhay ang Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Panay. Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang rebolusyonaryong kilusan sa buong Agosto, at partikular na ginunita ang Agosto 26 Araw ng mga Martir ng Panay. Ang mga Martir ng […]

Sa madaling salita
September 07, 2025
Ekspansyon ng plantasyong komersyal, banta sa likas na yaman ng bansa
September 07, 2025

Buong pagmamayabang ni Ferdinand Marcos Jr na ang krisis sa klima ang isa sa pangunahing tinutugunan ng kanyang rehimen. Sa pagpapanggap na siya ay maka-kalikasan, kung anu-anong huwad na proyektong reporestasyon ang ipinatupad ng rehimen sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kabilang sa mga proyektong ito ang Expanded National Greening Program, […]

Pahirap at pasistang rehimeng Prabowo-Gibran ng Indonesia, dinumog ng protesta
September 07, 2025

Muling sumiklab noong Agosto ang protesta ng mamamayang Indonesian laban sa mga kontra-mamamayang patakaran ng presidente ng bansa na si Prabowo Subianto at bise presidente niyang si Gibran Rakabuming Raka. Tumindi ang kanilang galit matapos sagasaan ng sasakyan ng pulis at napatay si Affan Kurniawan, isang delivery rider, noong Agosto 28. Mula sa kabisera sa […]