Pagpupugay at paggunita sa mga Martir ng Agosto ng Panay

,

Sa okasyon ng unang taong anibersaryo ng mga Martir ng Agosto ng Panay, nagbalik-tanaw sa kanilang buhay ang Komiteng Rehiyon ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Panay. Naglunsad ng iba’t ibang aktibidad ang rebolusyonaryong kilusan sa buong Agosto, at partikular na ginunita ang Agosto 26 Araw ng mga Martir ng Panay.

Ang mga Martir ng Agosto ng Panay ay kinabibilangan ng 11 mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Panay (Coronacion Waling-Waling Chiva Command) at mga lider at kadre ng Partido na namartir noong Agosto 2024.

Halos isang taon makalipas, iniulat ng National Democratic Front (NDF)-Panay na 10 sa mga namartir ay nadakip, tinortyur at sadyang pinaslang ng militar, na tahasang paglabag sa internasyunal na makataong batas.

Bilang pagbigay-pugay sa lahat ng martir ng isla, naglunsad ng tahimik na 21-gun salute ang mga yunit BHB-Panay. Nagtipon rin ang Kabataang Makabayan-Panay, Katipunan ng mga Samahang Manggagawa-Panay at iba pang rebolusyonaryong masang organisasyon para magparangal.

Pagpupugay at paggunita sa mga Martir ng Agosto ng Panay