Binweltahan ng rebolusyonaryong kabataan ang kamakailangang pahayag ng pasistang National Task Force-Elcac kaugnay ng serye ng mga aktidad na isinagawa ng KM sa Metro Manila, laluna ang sa mga unibersidad, para ipagdiwang ang ika-56 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan. Tinatarget ngayon ng ahensya ang mga institusyong pang-edukasyon sa tabing ng pagtatanggol sa akademikong kalayaan. Ayon […]
Noong Marso 24-28, nagtayo ng kampong protesta ang mga magsasaka mula sa Central Luzon sa harap ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City para iparating ang mariin nilang pagtutol sa malawakang pagpapalit-gamit at pangangamkam ng lupa at pasismo ng estado sa rehiyon. Sa loob ng limang araw, pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) […]
Nagtipon sa Liwasang Bonifacio ang mga myembro ng progresibong grupo noong Marso 28 para magtirik ng kandila, hindi para gunitain ang ika-80 kaarawan ni Rodrigo Duterte, kundi para manawagan ng pananagutan at hustisya para sa mga biktima ng pinakamalalala niyang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Ang hiling nila, hatulan siyang may sala sa krimen sa […]
Kumilos ang masang Mindoreño sa dalawang magkahiwalay na pagkakataon para labanan ang pangwawasak sa kapaligiran at para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan. Noong Marso 23, nagtipon ang mga residente ng Barangay Talabaan, Mamburao, Occidental Mindoro noong Marso 23 para sa isang prayer rally laban sa mapangwasak at mapanlinlang na operasyong dredging ng PERRC Construction and Development […]
Nagkakaisang lumalaban ang mga guro at empleyado ng mga pribado at pampublikong unibersidad para itaguyod ang kanilang mga karapatan at kagalingan. Sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon para sa kanilang collective bargaining agreemement (CBA), ipinaglalaban ng mga unyon ng mga guro ang makatarungang sweldo, mga benepisyo at iba pang karapatan. Noong Marso 25, nagtungo sa upisina ng […]
Dinukot at isinakay sa van ng mga kasapi ng 96th Military Intelligence Company (MICO) ng 9th ID ang isang residente at magsasaka sa Barangay Cabangcalan, Placer, Masbate noong Marso 29, alas-6 ng umaga. Kinilala ang biktima na si Junior Tuling, 56 anyos. Dati nang biktima ng sapilitang “pagpapasuko” ng militar si Tuling. Noong 2021, sapilitan […]
Hindi natuwa ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagtatalaga ni Ferdinand Marcos Jr kay Abdulraof Macacua bilang bagong pansamantalang punong ministro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA). Ayon sa pahayag na inilabas ng Komite Sentral nito, walang ginawang konsultasyon si Marcos at taliwas ito sa rekomendasyong panatilihin ang kasalukuyang punong ministro na si […]
Pakikiisa ng Marawi sa mamamayang Palestino. Humigit-kumulang 800 residente ng Marawi City ang naglunsad ng “solidarity run” sa “Ground Zero” ng syudad noong Marso 27 bilang pakikiisa sa mamamayang Palestino matapos ibinasura ng Israel ang tigil-putukan at muling binomba ang Gaza. Umalingawngaw ang sigaw ng mga nakapaang kalahok para sa “Free Palestine” at “From […]
NApatalsik sa poder si South Korean President Yoon Suk Yeol noong Abril 4 matapos pagtibayin ng Constitutional Court ang impeachment sa kanya ng parlamento noong Disyembre 14, 2024. Nagmula ito sa pagdeklara ni Yoon ng batas militar noong Disyembre 3, 2024, na itinuring na isang tangkang kudeta. Dahil napatalsik na sa pagkapresidente, maaari nang maharap […]