Presidente ng South Korea, napatalsik

,

NApatalsik sa poder si South Korean President Yoon Suk Yeol noong Abril 4 matapos pagtibayin ng Constitutional Court ang impeachment sa kanya ng parlamento noong Disyembre 14, 2024. Nagmula ito sa pagdeklara ni Yoon ng batas militar noong Disyembre 3, 2024, na itinuring na isang tangkang kudeta.

Dahil napatalsik na sa pagkapresidente, maaari nang maharap sa karagdagang mga kasong kriminal si Yoon. Samantala, kinakailangang makapagdaos ng espesyal na eleksyon sa South Korea sa loob ng 60 araw.

Ang desisyon ng korte ay ipinagbunyi ng milyun-milyong mamamayang lumahok sa mga protesta sa lansangan. Gayunman, nanawagan ang Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) at Nodutdol, grupo ng mga Korean na nakabase sa US, ng tuluy-tuloy na pagkilos ng mamamayang Korean para sa ganap na demokrasya sa bansa at pagpapatalsik sa okupasyon ng US at pagwawakas sa kapitalistang pang-aalipin sa kanilang bayan.

Presidente ng South Korea, napatalsik