Mga protesta

,

 

Pakikiisa ng Marawi sa mamamayang Palestino. Humigit-kumulang 800 residente ng Marawi City ang naglunsad ng “solidarity run” sa “Ground Zero” ng syudad noong Marso 27 bilang pakikiisa sa mamamayang Palestino matapos ibinasura ng Israel ang tigil-putukan at muling binomba ang Gaza. Umalingawngaw ang sigaw ng mga nakapaang kalahok para sa “Free Palestine” at “From the river to the sea, Palestine will be free” sa dating masiglang komunidad. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakababalik ang mga residente sa Ground Zero na walang-habas na binomba ng rehimeng Duterte noong 2017.

Taas-singil sa LRT. Nagtipon ang mga manggagawa, estudyante at maralita sa Monumento LRT-1 Station isang araw bago tuluyang itinaas ang pamasahe nito noong Abril 2. Binatikos nila ang pagtanggi ng rehimeng Marcos na ipatigil ang pagtaas ng pamasahe at ipawalambisa ang kontrata ng estado sa pribadong kumpanyang nagpapatakbo ng serbisyo. Kabilang sa mga tumutol ang mga komyuter mula sa Camanava na may malaking populasyon ng mamamayan at manggagawa na tumatangkilik sa serbisyo ng LRT.

Taas-singil sa tubig. Nagtipon noong Abril 1 ang mga myembro ng Bayan Muna sa harap ng upisina ng MWSS Regulatory Office sa Quezon City para kundenahin ang taas-singil sa tubig ngayong buwan at ipanawagan ang #NoToWaterRateHike. Nakaambang itaas ang singil sa tubig nang ₱4-₱5 kada metriko kubiko matapos payagan ng MWSS.

Taas-presyo ng mga produktong petrolyo. Nagprotesta sa harap ng gasolinahan ng Petron ang mga myembro ng Bayan Muna noong Marso 30 laban sa ₱1.40/litro na pagtaas ng presyo ng langis na ipinatupad noong Marso 31. Sa araw na ito, ipinadala ng Bayan Muna ang sulat sa Department of Energy para singilin ang kagawaran sa kawalan nito ng hakbang nito para ipatupad ang kautusan ng Korte Suprema noong 2024 para sa “unbundling” ng presyo o pag-obliga sa mga kumpanya ng langis na himay-himayin ang presyo ng mga produktong petrolyo at ipakita ang detalye sa pagtataas ng nito.prot

Mga protesta