Isinuspinde nitong Pebrero ng presidente ng US na si Donald Trump ang operasyon ng US Agency for International Development (USAID), National Endowment for Democracy (NED) at iba pang katulad na ahensya. Ang mga ahensyang ito ay direktang hawak ng Department of State ng US, ang kagawarang namamahala sa ugnayang panlabas ng imperyalistang estado. Daluyan ang […]
Naglunsad ng mga taktikal na opensiba ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa nagdaang mga linggo laban sa mga pwersa ng militar at mapangwasak na konstruksyon sa Rizal, Mindoro at Negros. Sa Rizal, binigwasan ng BHB-Rizal (Narciso Antazo Aramil Command) ang tropa ng 80th IB noong Pebrero 17 sa Sityo Tayabasan, Barangay San […]
Pinakamataas na pagpupugay at parangal ang iginawad ng pamunuan at buong kasapian ng Partido Komunista ng Pilipinas, lahat ng Pulang mandirigma at kumander ng Bagong Hukbong Bayan, at lahat ng mga pwersang rebolusyonaryo ng sambayanang Pilipino, kay Ka Maria Malaya (Myrna Sularte), isa sa mga namumunong kadre ng Partido at minamahal na mandirigma ng aping […]
Unang namulat si Loren, isang kabataang babae, sa panahon ng pandemya. Malaki ang galit niya sa ipinataw na lockdown ng rehimeng Duterte na sumagasa sa mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay, tulad ng pagmartsa sa pagtatapos mula senior hayskul at makapagdaos ng ika-18 taong kaarawan. Nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang, at namatayan ang kanilang […]
Pinabulaanan at kinundena ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) ang kamakailangang pahayag ng rehimeng Marcos na maaari nang tanggalin sa listahan ang Pilipinas mula sa pagmamatyag ng UN Special Representative of the Secretary-General (SRSG) on Children and Armed Conflict o mga batang nasa larangan ng armadong sigalot. Anang Makibaka, hungkag ang sinasabi ni Marcos […]
Tuluy-tuloy ang paghahasik ng terorismo ng 87th IB sa mga bayan ng Samar. Pinakahuling krimen nito ang pagbaril at pagpatay ng mga berdugong sundalo nito sa mag-amang magsasaka sa Santo Ñiño, Paranas, Samar noong Pebrero 5. Tulad sa ibang kaso, pinalabas nilang mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ang dalawa para pagtakpan ang kanilang […]
Dinampot at sadyang pinaslang ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Rolito Tanillo sa Barangay Tala-on, La Libertad, Negros Oriental noong Pebrero 10, alas-7 ng gabi. Ayon sa ulat, kinuha siya ng mga sundalo mula sa kanyang bahay, dinala sa ibang lugar para paslangin. Pinalabas ng mga sundalo na napatay siya sa engkwentro […]
Mariing kinundena ng People Surge, alyansa ng mga nakaligtas sa sakuna, ang kainutulan ng rehimeng Marcos na bigyan-proteksyon ang mga bulnerableng komunidad sa panahon ng mga bagyo at pag-ulan na dala ng shear line. Binatikos din nito ang pagpabor ng rehimen sa mapangwasak na mga proyekto at operasyon ng mina, kwari at pagpapalit-gamit ng lupa […]
Protesta kontra pagtaas ng matrikula sa Panay. Nagprotesta ang mga estudyate mula sa iba’t ibang pribadong unibersidad noong Pebrero 14 para tutulan ang nakaambang pagtaas ng matrikula at ibang bayarin. Pinangunahan ang protesta ng Kabataan Partylist-Panay. Mga protesta kontra tanggalan sa Cebu. Naglunsad ng piket ang mga grupo ng paggawa at myembro ng Makabayan […]