Mga protesta

,

 

Protesta kontra pagtaas ng matrikula sa Panay. Nagprotesta ang mga estudyate mula sa iba’t ibang pribadong unibersidad noong Pebrero 14 para tutulan ang nakaambang pagtaas ng matrikula at ibang bayarin. Pinangunahan ang protesta ng Kabataan Partylist-Panay.

Mga protesta kontra tanggalan sa Cebu. Naglunsad ng piket ang mga grupo ng paggawa at myembro ng Makabayan Coaltion noong Pebrero 13 para iprotesta ang tumitinding tanggalan at kontraktwalisasyon as prubinsya. Bago nito, nagsagawa ng protesta ang manggagawa ng Coca-Cola Cebu sa harap ng planta nito sa Mandaue noong Pebrero 10, sa araw na tinanggal ng kumpanya ang 200 manggagawa.

Sayaw laban sa pasismo. Pinangunahan ng Gabriela ang taunang pagsayaw para gunitain ang One Billion Rising (OBR) sa Mendiola sa Maynila noong Pebrero 14. Ngayong taon, nakatuon ang kampanya ng OBR sa paglaban sa pasismo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga gerang pinasimunuan at sinusulan ng US at pasismo ng mga estadong pinopondohan ng US.

Bigas lamang ang nagmamahal. Nagtungo ang mga magsasaka na nagmula pa sa Bulacan, Rizal, Laguna at Tarlac sa harap ng Department of Agriculture para muling ipanawagan ang pagbabasura sa Rice Liberalization Law, na isinabatas noong Pebrero 14, 2018.

Antiqueño kontra-mina. Inilunsad ng daan-daang Antiqueño ang koalisyong AMLIG Antique Alliance noong Pebrero 11 para labanan ang napabalitang pagdedeklara ng estado sa 3,715-ektaryang lupain sa mahigit 16 barangay sa Patnongon, San Remigio, Valderrama at Sibalom sa Antique bilang mga lugar ng pagmimina.

5-taong prangkisa ng dyip, ibalik. Nagtipon sa harap ng LTFRB ang mga myembro ng Piston noong Pebrero 10 para igiit ang pagbabalik sa 5-taong indibidwal na prangkisa sa mga tsuper at opereytor. Nagsumite din sila ng petisyon na may pirma ng higit 30 organisasyon ng mga drayber ng dyip para rito.

Alisin ang buwis sa langis. Nagprotesta ang Piston at iba pang demokratikong grupo sa harap ng Petron Philcoa sa Quezon City noong Pebrero 10, ika-27 anibersaryo ng Oil Deregulation Law. Pinahintulutan ng batas na ito ang walang awat na pagtaas ng presyo ng langis. Panawagan nila ang pagtanggal sa VAT at excise tax sa mga produktong petrolyo na pabigat pareho sa mga drayber at komyuter.

Mga protesta