Archive of Articles

Pagpanghalit sang AFP sa mga sibilyan sa Himamaylan
October 21, 2022

Indi magnubo sa 500 tropa sang 303rd IBde kag pulis ang nag-atake sa mga barangay sang Himamaylan City sa Negros Oriental sang gab-i sang Oktubre 5. Ginpaidalom nila ang pila ka barangay sang Himamaylan sa halos 10 adlaw nga lockdown. Ginpabakwit nila ang mas o menos 18,000 residente (o 16% sang kabilugan nga populasyon) kag […]

Pananalasa ng AFP sa mga sibilyan sa Himamaylan
October 21, 2022

Hindi bababa sa 500 tropa ng 303rd IBde at pulis ang kumubkob sa mga barangay ng Himamaylan City sa Negros Oriental noong gabi ng Oktubre 5. Ipinailalim nila ang ilang barangay ng Himamaylan City halos 10 araw na lockdown. Pinalikas nila ang humigit kumulang 18,000 residente (o 16% ng kabuuang populasyon) at pinigilan ang kanilang […]

Masidhing pagsasamantala sa naghihingalong industriya ng damit
October 21, 2022

Hindi nagsimula at hindi magtatapos sa 4,000 sinisanteng manggagawa sa mga pabrika sa Mactan Export Processing Zone (MEPZ) ang malawakang tanggalan sa industriya ng damit. Madagdagan pa ang mga mawawalan ng trabaho, babala ng mga negosyanteng kasapi ng Confederation of Wearable Exporters of the Philippines (Conwep). Idinadahilan ng grupo ang mahina na pandaigdigang demand para […]

Nagugutom ang gumagawa ng pagkain
October 21, 2022

Hungkag para sa mga magsasaka at mangingisda ang pangako ng rehimeng Marcos na titiyakin niyang “abot-kamay” at “masustansyang pagkain” para sa bawat Pilipino. Hindi lamang wala siyang ginagawa, pinatitindi ng kanyang mga neoliberal na patakaran ang kagutumang dinaranas ng mga gumagawa ng pagkain. Kabilang ang mga magsasaka at mangingisdang Pilipino sa mahigit 828 milyong mamamayan […]

Pusakal na mga yunit ng AFP, inambus ng BHB
October 21, 2022

Tatlong ambus ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa tatlong prubinsya ng bansa sa nagdaang mga linggo. Pinatamaan ng BHB ang pinakabrutal at pinakapusakal na mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kani-kanilang saklaw na erya. Sa Surigao del Sur, tatlo ang napatay at isa ang nasugatan sa […]

Ka Juanito Magbanua: tinig ng Negros, bayani ng sambayanan
October 21, 2022

Pinarangalan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pinaslang na tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Negros na si Ka Juanito Magbanua (Romeo Nanta). Inilaan ni Ka Juanito ang 25 taon ng kanyang buhay sa adhikain ng mamamayang Pilipino para sa pambansa at panlipunang pagpapalaya. Ang pagpaslang ng militar kay Ka Juanito habang nasa kustodiya ay labag […]

Militarisadong komunidad sa Aklan, sinaklolohan
October 21, 2022

Nagsagawa ang Bayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Pamalakaya sa Aklan ng 2-araw na makataong misyon sa komunidad ng mga mangingisda sa Barangay Cawayan, New Washington, Aklan noong Oktubre 12-13. Layunin nito ang alamin ang kalagayan ng mga residente sa gitna ng patuloy na pananakot, panggigipit at militarisasyon sa lugar. Tatlong buwan na ang operasyong […]

Sa madaling salita
October 21, 2022
2 sibilyan, pinatay ng 2nd IB sa Masbate
October 21, 2022

Pinaslang ng 2nd IB si Carlito Ahina sa Sityo Mabuhay, Barangay Mabini, Palanas, Masbate noong Oktubre 8. Pinalibutan ng mga sundalo at pulis ang kanyang bahay bago pagbabarilin. Kasama ni Ahina sa loob ng kanilang bahay ang kanyang mga anak nang maganap ang insidente. Nasugatan sa binti ang kanyang anak na babae. Dating kasapi ng […]

Mga protesta
October 21, 2022

100 Araw ng rehimeng Marcos. Nagprotesta sa Mendiola, Maynila sa harap ng Malacañang ang mga demokratikong grupo para kundenahin ang kapalpakan ni Ferdinand Marcos Jr sa unang 100 araw ng kanyang rehimen noong Oktubre 8. Kinastigo nila ang puro pasarap na buhay ng mga Marcos sa gitna ng malawakang paghihirap ng mga Pilipino. Protesta sa […]