Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

100 Araw ng rehimeng Marcos. Nagprotesta sa Mendiola, Maynila sa harap ng Malacañang ang mga demokratikong grupo para kundenahin ang kapalpakan ni Ferdinand Marcos Jr sa unang 100 araw ng kanyang rehimen noong Oktubre 8. Kinastigo nila ang puro pasarap na buhay ng mga Marcos sa gitna ng malawakang paghihirap ng mga Pilipino.

Protesta sa Regent Foods. Nagpiket sa harap ng pabrika ng Regent Foods ang mga manggagawa nito noong Oktubre 17 para iprotesta ang pagtanggi ng kumpanya na ibalik sa trabaho ang tinanggal nitong mga manggagawa noong 2019 at ibigay sa kanila ang kanilang back wages.

#HustisyasaSahod. Nakiisa ang mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno sa Metro Manila at Cebu sa Pandaigdigang Araw ng Disenteng Paggawa noong Oktubre 7. Tinawag nilang Bingi at Barat sa Manggagawa (BBM) si Marcos Jr na walang ginagawa para tugunan ang kanilang makatarungang mga hinaing sa dagdag-sahod.

#ZeroEvictions. Nagpiket sa National Housing Authority noong Oktubre 10 ang mga maralitang-lunsod sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon at Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan para batikusin ang demolisyon ng kanilang mga komunidad. Ilan sa mga dumalo ang mga residente mula sa Payatas, Holy Spirit, Tatalon, Commonwealth, Bagong Silangan at Don Mariano sa Quezon City.

Mga protesta