Iniulat ng Katipunan ng mga Samahang Manggagawa-Cordillera Peoples’ Democratic Front (Kasama-CPDF) Balangay Wilfredo “Ka Hoben” Aloba noong huling linggo ng Setyembre na matagumpay nitong inilunsad ang ikalawang asembleya ng organisasyon sa isang lihim na lugar sa Cordillera. Dumalo sa pagtitipon ang mga upisyal at kasapi ng Kasama-CPDF mula sa iba’t ibang komunidad at sektor ng […]
Serye ng mga pagtitipon, pag-aaral, pangkulturang pagtatanghal, protesta at iba pang aktibidad ang inilunsad ng iba’t ibang mga grupo bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar sa buong bansa at sa ibayong dagat. Ilang libo ang dumalo sa pangkulturang pagtitipon sa University of the Philippines (UP)-Diliman sa Quezon City noong Setyembre 21. […]
Mariing binatikos ng mga hukom at abugado ang pagbabanta sa buhay ni Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar. Mahigit 600 abugado ang pumirma sa isang pahayag na nananawagan para bigyang proteksyon ang mga husgado na inaatake sa social media gaya sa ginagawa ng dating tagapagsalita ng NTF-Elcac na si Lorraine Badoy. Isinumite ang pahayag […]
Habang nasa US, todo-todo ang paggasta ng pamilyang Marcos at kanilang alipures sa pera ng bayan. Tumira sila sa hotel na nagkakahalaga ng $10,000-$15,000 kada gabi (o higit ₱3.5 milyon kada kwarto para sa isang linggo) Nagliwaliw ang kanyang asawa na si Liza Araneta-Marcos sa mamahaling mga tindahan at nanood ng mamahaling palabas. Pag-alis at […]
Naitala ang tatlong kaso ng pananakit at pang-aabuso ng mga sundalo sa mga magsasaka at katutubong residente sa mga prubinsya ng Oriental Mindoro, Negros Occidental at Surigao del Sur sa nagdaang mga linggo. Lahat sila ay pinararatangang may kaugnayan o kasapi ng Bagong Hukbong Bayan. Sa Surigao Del Sur, dinakip at tinortyur ng mga tropa […]
12 taon ng Barikadang Bayan sa San Roque. Nagprotesta ang mga residente at tagasuporta ng Sityo San Roque sa harap ng NHA noong Setyembre 25 bilang paggunita sa ika-12 taong aniberasyo ng Barikadang Bayan na nagpatigil sa demolisyon ng kanilang komunidad. Ang Sityo San Roque ay bahagi ng lupang inaagaw ng mga burgesyang komprador na […]
Wala pang 10 taong gulang si Filom (di tunay na pangalan) noong nasaksihan niyang binubugbog ng mga tauhan ng Philippine Constabulary (PC) ang kanyang lolo sa kanilang bukid sa Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro. Ang dahilan—may dalang mahabang itak ang kanyang lolo. “Sobra talaga ang higpit noon na kahit nga papuntang bayan, bawal magdala ng […]
Tumingkad ang panawagang Save Sierra Madre o Iligtas ang Sierra Madre, isang araw matapos salantahin ng superbagyong Karding ang mga prubinsya ng Cagayan, Central Luzon at Southern Tagalog noong Setyembre 25. Nagkataong ang araw na ito (Setyembre 26) ang siya ring Araw ng Save Sierra Madre na unang idineklara noong 2012. Krusyal ang papel ng […]
Sa nagdaang mga linggo, halos araw-araw bumabagsak ang halaga ng piso kontra sa dolyar sa pinakamababa sa kasaysayan. Simula sa pagbubukas ng taon, dumausdos nang di bababa sa 15% ang halaga ng piso mula ₱50.9 tungong ₱58.9 kontra sa dolyar. Tinatayang ibayong dadausdos pa ito sa pagitan ng ₱65 at ₱70 bago magtapos ang taon. […]