Husgadong nagbasura sa kaso laban sa PKP at BHB, ipinagtanggol

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Mariing binatikos ng mga hukom at abugado ang pagbabanta sa buhay ni Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar. Mahigit 600 abugado ang pumirma sa isang pahayag na nananawagan para bigyang proteksyon ang mga husgado na inaatake sa social media gaya sa ginagawa ng dating tagapagsalita ng NTF-Elcac na si Lorraine Badoy. Isinumite ang pahayag na ito sa Korte Suprema noong Setyembre 30.

Iniutos ng Korte Suprema noong Oktubre 4 na ipaliwanag ni Badoy kung bakit hindi siya dapat patawan ng “contempt of court” kaugnay sa kanyang pambabanta sa buhay ng isang husgado.

Naging sentro ng atake sa Facebook at YouTube si Malagar pagkatapos niyang ibasura ang petisyon ng Department of
Justice na ideklarang “teroristang organisasyon” ang PKP at BHB.

Noong Setyembre 24, nagpahayag ang HUKOM, Inc, asosasyon ng mga hurado sa bansa, para kundenahin ang gayong pambabanta.

Sumuporta rin kay Malagar ang Ateneo de Manila University School of Law, Philippine Bar Association, Free Legal Assistance Group at Integrated Bar of the Philippines.

Husgadong nagbasura sa kaso laban sa PKP at BHB, ipinagtanggol