Luho ng mga Marcos, binatikos

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisayaHiligaynon

Habang nasa US, todo-todo ang paggasta ng pamilyang Marcos at kanilang alipures sa pera ng bayan. Tumira sila sa hotel na nagkakahalaga ng $10,000-$15,000 kada gabi (o higit ₱3.5 milyon kada kwarto para sa isang linggo) Nagliwaliw ang kanyang asawa na si Liza Araneta-Marcos sa mamahaling mga tindahan at nanood ng mamahaling palabas. Pag-alis at pagdating sa Pilipinas, sinalubong ang kanilang pinakyaw na eroplano ng mga FA-50 jetfighter.

Hindi sa US nagtapos ang maluhong pamumuhay ng mga Marcos. Noong Oktubre 1, lumipad si Marcos, kanyang anak at pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez sa Singapore para manood ng karera ng kotse. Ginamit nila bilang pribadong jet ang Gulfstream na binili noon ng rehimeng Duterte para diumano magsilbing “command center” ng Armed Forces of the Philippines. Ginawa ito sa gitna ng pagdurusa ng mahigit 157,000 Pilipinong sinalanta ng bagyong Karding.

Luho ng mga Marcos, binatikos